TIPS SA MGA MAHIHILIG KUMAIN SA RESTAURANT

MASARAP kumain sa restaurant. Marami kang mapagpipiliang putahe. Lahat ng lasa na hinahanap-hanap mo, maaaring matikman doon. Napakaraming choices nga naman. Sa sobrang dami, tiyak na hindi mo rin mapipigil ang sarili mong mapakain.

Kaya naman, para mapanatiling healthy lalo na kung mahilig kumain sa mga restaurant, narito ang ilang tips na kaila­ngang isaalang-alang:

PUMILI NG KAKAINANG RESTAURANT

RESTOBago kumain sa labas, isipin muna kung anong restaurant ang nais kainan. At sa pagpili ng magandang restaurant, hindi lamang masasarap na putahe ang kailangang isaisip kundi ang mga pagkaing kanilang ino-offer: healthy ba ang mga ito, marami ka bang puwedeng pagpilian, fresh ba at low fat?

May ilan sa atin na kapag naisipang kumain sa labas, hindi na pinagtutuunan ng pansin ang papasuking restaurant. Oo nga’t kaysarap kumain sa res-taurant ngunit bago gawin ito ay alamin muna ang klase ng pagkaing kanilang inihahanda.

May mga restaurant na piling-pili lang ang inihahandang putahe. Kapag ganoon, napipilitan tayong umorder nang kung anong mayroon sila.

Mahirap ang ganoon. Mahirap kung mahuhulog tayo sa “iyon lang kasi ang mayroon kaya ‘yun na lang ang oorder”. Kasi kapag ganitong kaunti lang ang choices mo, hindi mo rin gaanong mae-enjoy ang pagkain. Hindi mo rin matitikman ang talagang gusto mo. Kaya bago magkayayaang magtun-go o kumain sa restaurant, isipin muna o alamin kung anong restaurant ang nais kainan, at kung ano-anong putahe ang maaaring matikman doon.

Kung hindi mo naman alam kung ano ang mga healthy menu na mayroon ang nais puntahang restaurant, mainam din kung tatawagan ang mga ito pa-ra magtanong. Puwede rin namang i-check sa online.

PILIIN ANG MGA HEALTHY NA PAGKAIN

RESTOHindi rin porke’t bata pa ang marami sa atin, kakainin na nila ang mga gusto nilang kainin. Madalas na sinasabi ng marami na “bata pa naman kaya’t okey lang kumain ng kahit na ano.” Oo bata ka pa nga, pero paano naman sa pagtanda mo?

May kapalit ang lahat ng bagay. Gaya na lang sa pagpapabaya sa sarili, sa pagtanda mo ay sisi­ngilin ka nito.

Okey lang naman kung mahilig kayong kumain sa labas. Gayunpaman, piliin ninyo ang mga pagkaing mainam sa katawan nang hindi naman kayo maging lumba-lumba. O sige sabihin na nating masarap nga ang kinain ninyo, pero kumusta naman ang kalusugan n’yo? Masarap nga, may sakit ka naman. Paano mo pa ma-e-enjoy ang buhay?

Bata man o matanda, kailangang ma­ging ma­ingat sa kanyang kinakain. Tandaan na may mga healthy rin na pagkain na masasarap. Kumbaga, hindi lahat ng masasarap ay kailangang matataba, mamantika at matatamis. Kung hindi man mapigil ang pagkaing ng hindi maganda sa katawan, paminsan-minsan lang gawin.

Isama rin sa mga kinahihiligang pagkain ang mga gulay at prutas.

MATUTONG KONTROLIN ANG SARILI PAGDATING SA PAGKAIN

Kakulangan ng kontrol sa sarili pagdating sa pagkain, isa iyan sa pinoproblema ng mara­mi. Ginaganahan nga naman tayong kumain lalo na kung kasama pa natin ang ating barkada o pamilya.

Masarap naman talagang kumain. Walang duda roon. Pero dapat din nating kontrolin ang ating mga sarili. Nguyain ding mabuti ang pagkain.  At isa pa sa napakaimportante, huwag masyadong maglagay ng condiments.

PAG-ISIPAN MUNA KUNG OORDER NG DESSERT AT DRINKS

Kapag kumain nga naman tayo sa restaurant, hindi nawawala ang dessert at drinks. Parang hindi kompleto ang pagkain natin kung hindi masasayaran ng matatamis na dessert at softdrinks ang ating lalamunan. Bago umorder ng dessert at drinks, pag-isipan muna. Kung gusto talaga, orderin ang low fat drinks. At kung sakali namang gustong mag-dessert, kaunti lang ang kainin o mas magandang maghati na lang kayo ng inyong mga kasama.

May karapatan tayong kumain ng mga gusto nating pagkain. Gayunpaman, isipin din natin ang ating kalusugan. Dahil mas ma-e-enjoy natin ang buhay kung wala tayong iniindang sakit. (photos mula sa google) CT SARIGUMBA

Comments are closed.