TIPS SA OFWs AT LOCAL EMPLOYEE PARA IWAS-UTANG

NI EUNICE CALMA

KARANIWAN nang mas angat ang kita ng mga nag-a-abroad kumpara sa mga local employee.

Kita naman sa sitwasyon ng pamumuhay lalo na sa mga estudyante, makikita kung negosyante ang mga magulang, kung empleyado dito sa Pilipinas at kung OFW (overseas Filipino worker) dahil sa mga istilo ng kagamitan.

Kaakibat ng may kataasang style of living, marami sa mga OFW ay laging may utang.

Isang sector ng OFW na hindi nawawalan ng loan ay ang ilang seaman.

Katwiran nila, kapag nasa “baba” (nasa lupa o nasa bakasyon), walang sweldo, at dahil inaasahan na kapag on board na at nakasampa na muli sa barko ay tiyak namang makapagbabayad.

Kaya nga maraming lending group ang prayoridad nilang pautangin ang OFW lalo na ang seaman dahil tiyak kikita sila roon.

HINDI HEALTHY 

Gayunman, batay sa isinulat na tips ni Jun Amparo, na isang OFW at founder ng Richly Blessed Today, hindi nakatutulong ang pumasok sa sa mga loan shark.

Hindi naman kasi basta pwedeng kalimutan ang utang dahil una, nakasanla ang passport  o kaya naman ay ang ATM  na habang nasa abroad ang pinagkakautangan ang may hawak nito habang ang sosobra sa hulog, iyon lamang ang mapupunta sa allotee.

Aniya, “debt is becoming a real monster for many.”

Dahil sa tindi ng pangangailangan, walang magawa ang OFW kundi kagatin ang malaking interest.

Subalit dahil dito, nagdudulot din ito ng pressure, anxiety at sleepless nights.

May mga pagkakataon na nauuwi pa sa away o argumento sa loob ng bahay, workplace at pagkakaibigan.

Sinisira rin ng pagkabaon sa utang ang career at maging ang reputasyon.

Dahil dito, narito ang ilang tips ni Amparo upang makaiwas sa chronic debt, o naging ugaling pag-utang:

  1. Assess the problem and commit to get out of debt. Sabi nga, ikalkula mula ang problema sa pera. Ito ba ay prayoridad o maaaring maghintay at kapag nagkaroon ng extra saka solusyonan.
  2. Maging tapat sa assessment ng pangangailangan sa pera.
  3. Tandaan, nararapat din na harapin ang katotohanan na kung ang inaasahang kita mo ay sapat lamang sa monthly consumption, huwag magdadag ng pagkakagastusan.
  4. Sakali namang itinuloy ang planong pag-utang, dapat obligahin ang sarili na bayaran ito on time upang hindi magdagdagan ang interes.
  5. Upang makaalis sa sitwasyon ng pag-utang, dapat mong i-address ang problema at huwag ipawalang bahala dahil kung hindi, malabo kang makaalis sa sitwasyong palagi kang utang nang utang.
  6. Decide a time frame to achieve your financial goal. Kung nagawa mo nang makautang kabi-kabila, tuusin lahat ito at maging ang interest.
  7. Bigyan ang sarili ng deadline na mabayaran ang mga ito, kasabay nang hindi muna pangungutang muli.