GOOD day, mga kapasada!
Sa modernong panahon, inuuri ng mga ekonomista ang estado ng pamumuhay ng ating mga kababayan.
Una, yaong mga elitista na nabibilang sa mataas na antas ng pamumuhay at ang ikalawa, yaong mga nabibilang sa isang kahig, isang tukang pamumuhay.
Yaong mga elitista ay kabilang samga naninirahan sa urban areas tulad ng malalaking subdivision sa maraming bahagi ng bansa at yaong isang kahig,isang tuka ay ang mga dweller sa mga rural areas o yaong tinatawag na far flung areas tulad ng mga nasa kanayunan.
Ngunit sa mga urban area, ayon sa mga ekonomista, ay halo-halo ang uri ng pamumuhay. Hindi lamang mayayamang angkan ang may hangaring pangka-luwagan sa sarili, more so kahit yaong mga ordinaryong mamamayan ay naghahangad din ng kaunting kaginhawaan sa buhay tulad ng pagkakaroon ng sariling sasakyang magagamit sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Well, of course, ayon sa mga ekonomista, yaong left over ng mga may kaya sa buhay ang, ika nga, ay siya namang binabantayan ng mga have nots tulad ng pagbili sa kanilang pinaglumaang sasakyan.
Sa aming pakikipanayam kay Carmelo Eleccion, isang buy and sale agent ng lumang sasakyan, maraming bagay ang dapat isaalang-alang sa pagbili ng lu-mang sasakyan (secondhand car).
Si Carmelo ay may second hand display area sa likod ng Hypermart sa Sucat, Paranaque City.
Sa kanyang display area, lahat halos ng brand ng lumang sasakyan ay matatagpuan ng isang gustong magkaroon ng abot- kayang halaga.
Maraming parokyano si Carmelo dahil sa bukod sa hindi malaki ang patong na tubo sa kanyang mga ‘for sale’ na sasakyan, kasama rin sa kanyang adhi-kain ang, ika nga, ay public service dahil isa siyang miyembro ng isang faith organization.
PAPAANO ANG PAGBILI NG LUMANG SASAKYAN
Dahil maraming text ang tinanggap ng pitak na ito na humihingi ng payo sa pagbili ng lumang sasakyan na kanilang aariing pangkaluwagang gamit ng pamilya at pansariling gamit sa kanilang pagpasok sa trabaho, isang mahabang pasakalye ang ibinato sa amin ni Carmelo.
Kuwento niya, sa totoo lang, may mga bagay sa buhay na masarap bilhin ang bago. Tama nga naman. Una, aniya, amoy mo ang bagong ambience tulad ng bagong bahay at siyempre naman ang ikalawang masarap bilhin ay ang bagong kotse.
Aba, eh, sa totoo lang, sino ang makatatanggi sa sarili na tiyak na nangangarap ka ring makabili ng bagong sasakyan balang araw.
Nakatutuwang magkuwento si Mang Melo ng Melo Car Display Center sa likod ng Hypermart Paranaque.
Talagang maaakit kang bumili sa mga naka-display niyang lumang sasakyan sa kanyang very impresseive na sales talks kung talagang hangad mo na bumili.
Nang may bagong customer na dumating, biglang nag-iba ang tono ng talk ni Mang Melo.
“Okay, pagbili ng second hand na kotse ang paksa ng ating kuwentuhan ngayon. Papaanon nga ba ang bumili ng second hand na sasakyan?
UNANG DAPAT ALAMIN SA PAGBILI NG SECOND HAND CAR
Ayon kay Mang Melo, ang unang dapat mong alamin ay kung magkano ba ang iyong badyet.
Kung magkano ang iyong badyet, iyon ang tatapatan natin ng uri, brand at kondisyon ng sasakyan.
Kailangang doon ka bibili sa isang honest na nagbebenta. Mayroong maganda sa tingin, eh, baka panlabas lamang na appearance iyan. Ang mahalaga, walang tama (dent) o ayos ang makina.
Saglit na iginala ni Mang Melo ang buyer sa kanyang display area, mga luma ngunit classic ang kanyang mga naka-display tulad ng CorolaDX o liftback at marami pa.
Ngunit maraming second hand car on display ang may kagandahan sa malas, ngunit may kabulukan naman sa gamit, pagtatapat ni Mang Melo.
ALAMIN ANG BENTAHAN SA MERKADO NG NAPILI MONG BIBILHIN
Payo ni Mang Melo, kapag nakapili ka ng kotseng bibilhin mo, pag-aralan kung ano ang ‘on going‘ rate nito sa merkado.
Huwag kaagad kakagat sa unang kita mo sa sasakyan. Tiyak na bubusugin ka ng dealer sa mabubulaklak na pangungusap para mahikayat kang bumili.
Tingnan ang mga ‘for sale’ na second hand car sa ads ng mga pahayagan at ikumpara ang halaga ng iyong napusuang bilhin sa mga buy and sale car dealers.
MGA DAPAT ALAMIN SA PAGBILI NG LUMANG SASAKYAN
Narito ang ilang tips ni Mang Melo sa bibilhing mga lumang sasakyan tulad ng:
- Itanong kung kumpleto ba ang papeles ng sasakyan. Puwedeng mura ang halaga, pero carnap pala ito.
2.Nabangga na ba ito? Umiwas sa mga kotseng may hindi magandang kasaysayan. Umiwas din sa mga sasakyang malas. Sakaling magsinungaling ang nagbebenta, isailalim ang sasakyan sa masusing inspeksiyon tulad ng kaha, under chassis at silipin ang mga dugtungan sa loob, lalo na sa bahagi ng makina at gilid ng compartment. Kung may mamalas na pinagweldingan, tiyak na niretoke ang kotseng iyan.
- Alamin kung ano-ano ang bahaging pinalitan sa sasakyan. May lifespan ang bawat bahagi ng sasakyan.
Halimbawa, ang timing belt ay kadalasang tumatagal lamang ng 80,000 kilometrong takbo. Kung sasabihin sa iyo na hindi pa siya nagpapalit ng timing belt at nasa 90,000 kilometro na ang natakbo, magtanong ka muna sa isang professional mechanic.
- Alamin kung bakit ibinebenta ang sasakyan. Layunin nito na makatiyak na hindi ka nito bibigyan ng sakit ng ulo.
Kapag sinabi ng nagbebenta na hindi pa nagtatagal nang binili niya ito, magdalawang-isip sa pagbili nito. Malamang na may dulot ng sakit sa ulo ang kondisyon ng sasakyan at gusto ng may-ari na maipasa sa iyo ito.
PINAKAMAGANDANG BUMILI SA KAKILALA
Payo ni Mang Melo, pinakamagandang bumili ng kotse sa isang taong kakilala o kaibigan.
Maluwag sa kalooban ng iyong kaibigan na sa iyo naipasa ang sasakyan kaysa iba.
Nakatitiyak na kung sa isang kakilala o kaibigan mo nabili ang napusuan mong sasakyan, hindi ka magsisisi sapagkat walang hudas na kaibigan maliban na lamang kung ito, sa balbal na pangungusap, ay isang adik na kaawaybng lipunan.
Natapos ang pagpapayo ni Mang Melo nang bilhin at bayaran ng isang customer ang kanyang naka-display na second hand car for sale.
Mga kapasada, at sa mga nag-text sa pitak naito, malinaw po ba sa iinyo ang mga tip na ipinagkaloob sa ating pitak ni Mang Carmelo Eleccion?
Comments are closed.