TIPS SA PAGPAPLANO NG MEALS NA SWAK SA BUDGET

MEALS

(ni CS SALUD)

HINDI lamang masarap na meal o pagkain ang pinagtutuunan natin ng pansin kundi kung swak ba ito sa ating budget. Oo, maraming pagkain o recipe nga naman ang masarap ngunit tingin natin ay lampas o hindi ito pasok sa ating budget.

Kung tutuusin, kapag nag-isip tayo ng recipe ay kaagad ding naiisip natin na lampas ito sa nakalaan nating budget. gayunpaman, maraming mga rec-ipe na mahal lang kung iisipin o titingnan pero kapag niluto mo, abot-kaya ang halaga ng mga ingredient.

Kaya naman, sa pagpaplano ng meals o recipe na swak sa budget, narito ang ilang tips na puwede nating subukan:

GUMAWA O MAG-ISIP NG MENU

Isa sa pinakamahirap gawin at nakauubos ng oras ay ang pag-iisip ng lulutuin. Oo maraming recipe ang puwede nating lutuin pero ang tanong ay kung swak ba ito sa bulsa?

Isa sa makatutulong upang makapag-isip ng magandang recipe na pasok sa inyong budget ay ang paggawa o pagli­lista ng menu saka planuhin kung paano mapagkakasya ang budget sa mga sangkap na kakailanganin.

Sa pamamagitan din ng pag-iisip ng recipe na lulutuin sa buong araw ay masisigurong healthy ang ihahanda sa buong pamilya. Mainam din ang pag-iisip ng makabagong recipe na swak sa budget nang may bago namang maihanda sa pamilya.

Sa pamamagitan din ng pagpaplano ng pagkaing lulutuin o ihahanda ay hindi ka lamang makatitipid sa oras kundi ma­ging sa panahon at oras.

GUMAWA NG MGA LISTAHAN NG BIBILHIN

Mahalaga rin ang paggawa ng listahan ng inyong bibilhing ingredients bago ang pagtungo sa grocery o palengke. Sa ganitong paraan din ay maiiwa-san natin ang pagbili ng ingredients na hindi naman kakailanganin.

May ilan kasi sa atin na kapag namili, lahat ng makita na hindi naman kailangan ay binibili. Para maiwasan ito, mag-stick lang sa mga nakalista at huwag padadala sa sale o promo na makikita sa grocery.

Kung sakali namang bibili ng sale o promo, i-check ang expiration date at kilatisin muna ang isang produkto bago bilhin nang masigurong mapakikinabangan pa ito at hindi masayang ang budget.

I-CHECK ANG LAMAN NG REFRIGERATOR

Marami sa atin na nakalilimutan na ang mga inilalagay sa refrigerator. Kung minsan, natatabunan kaya’t hindi na nagagamit o nakakain.

Isa sa mainam gawin ay ang regular na pagtse-check sa inyong refrigerator nang malaman ninyo kung ano ang laman niyon na maaaring mapakinabangan o maluto pa.

Siguraduhin ding natatanggal ang mga pagkaing sira o expired na nang hindi masira ang iba pang pagkaing nasa loob ng ref.

I-check din ang mga pagkain sa pantry nang malaman kung ano ang maaaring gamitin o lutuin.

IWASAN ANG RECIPE NA MAY SPECIAL INGREDIENT

May mga pagkain o recipe nga naman na nangangailangan ng special ingredients. Kung nagtitipid, iwasan ang mga pagkain o lutuing kailangan pang lagyan ng special na ingredients o sangkap.

Puwede rin naman ang pag-iisip ng mga alternatibong sangkap sa special na ingredients nang mas makatipid. Maging creative  rin sa pagluluto nang makati­pid.

Napakaraming pa­raan upang makapag­handa tayo ng masarap sa ating pamilya na swak sa budget. Maging madiskarte lang tayo at huwag matakot na tumuklas ng iba’t ibang recipe na sa tingin natin ay kahihiligan ng ating buong pamilya. (photos mula sa therealfoodrds.com, naturefresh.ca at unlock-food)