TIPS UPANG MAIWASAN ANG BREAST CANCER

BREAST CANCER-2

(NI KAT MONDRES)

ANG Breast Cancer Awareness ay isang campaign para mabig­yan ng kaalaman ang publiko kung paano ba maiiwasan ang breast cancer. Ito ay sinisimbolo ng pink ribbon na ang ibig sabihin ay pagbibigaypugay at suporta sa lahat ng breast cancer survivors. Ito ay ipinag-diriwang tuwing buwan ng Oktubre sa buong mundo. Ang breast cancer ay kilala bilang isa sa mga pangunahing nakamamatay na sakit sa mga kababaihan.

Narito ang ilang tips upang maiwasan ang pagkakaroon ng breast cancer:

MAG-MONITOR NG TIMBANG

Ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay isa sa pinakaimportanteng bagay. Ito ay malalaman depende sa iyong kina-kain. Kapag ikaw ay overweight, mas mabilis kang lapitan ng sakit lalo na ang cancer.

Ugaliing kumain ng healthy food, at i-monitor lagi ang timbang.

KUMAIN NG MASUSTANSIYANG PAGKAIN

Sanayin ang sarili na kumain ng prutas at gulay. Healthy living dapat ang unang isipin para lagi kang may gana at energy sa araw-araw.

Ilan sa gulay at prutas na “anti-cancer” ang lu­yang dilaw, broccoli, lentils, kamatis, beans, berries, at mga madadahon.

MAG-EHERSISYO

Galaw-galaw at magpapawis! Ito ay nirerekomenda sa mga babae upang maiwasan ang breast cancer.

Tiyakin na makapag-eehersisyo ng 30 minutes hanggang 1 oras sa isang araw. Kapag ikaw ay nakapagpapawis, mas guma­gaan ang iyong pakiramdam at lumalabas ang toxins sa katawan.

Ang mga physical activity gaya ng paglalakad, pagtakbo, pagtu­ngo sa gym at pag-zumba ay mabuti sa katawan.

IWASAN ANG PAGGAMIT NG BIRTH CONTROL PILLS

Ang mga babaeng kadalasang gumagamit ng birth control pills ay lapitin ng breast cancer. Kapag naging pabaya sa pag-inom ng nasabing pills, ito ay magdudulot ng heart attack o stroke. Lagi kumonsulta sa doctor kapag ikaw ay nagpaplanong uminom ng pills.

BREAST-FEEDING

Malayong magkaroon ng breast cancer kapag ikaw ay nagpapa-breast feed. Kung mas matagal ka ring nagpapa-breast feed ay mas malaki ang ti-yansa ng protective effect nito.

REGULAR NA KUMONSULTA SA DOKTOR

Ugaliin na pumunta sa iyong doctor at kumonsulta kapag ikaw ay may nararamdamang kakaiba sa iyong katawan lalo na sa iyong dibdib. Huwag balewalain kahit simpleng sakit lang. Mabuti na iyong nakasisiguro.

Ang mga nasa itaas ay ilan lamang sa pa­raan upang maiwasan ang pagkakaroon ng breast cancer.

At bukod din sa mga nabanggit, may mga pagkain ding puwedeng isama sa diyeta nang maiwasan ang naturang sakit.

Narito naman ang mga pagkaing dapat isama sa diyeta nang maiwasan o mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng breast cancer:

GREEN TEA AT POMEGRANATE JUICE

Maraming benepisyo ang green tea mula sa pagpapababa ng timbang hanggang sa blood pressure management. Mataas ang ta-glay na polyphenol at catechins ng green tea na pumoprotekta sa cell mula sa DNA damage na sanhi ng free radicals.

Samantalang ang pomegranate juice naman ay nagtataglay rin ng polyphenols. May kakayahan din ang naturang inumin upang maiwasan ang pagkakaroon ng breast cancer.

DARK, LEAFY GREEN VEGETABLES

Mainam ding isama sa diyeta ang dark, leafy green vegetables. Ang mga mabeberdeng gulay ay mataas ang taglay na antioxi-dants at fiber na isang anticancer tools. Ilan sa mga popular option ng dark, leafy green vegetables ang kale, spinach turnip at beet greens.

GARLIC

Isa ang garlic sa hindi nawawala sa ating mga kusina. Ginagamit nga naman natin itong pampasarap at pandagdag ng aroma sa bawat lutuin.

Ngunit hindi basta-basta ang garlic sapagkat mayaman ito sa cancer-fighting compound na kung tawagin ay allium. Lumalabas din na ang garlic ay nakatutulong upang mapabagal ang paglaki ng tumour at maiwasan ang iba’t ibang klase ng cancer gaya na lang ng breast cancer.

Makatutulong din ang pag-swallow ng garlic sa umaga nang maiwasan ang nabanggit na sakit.

Ingatan natin ang ating kalusugan. Subukan ang mga nakalista sa itaas. (photos mula sa findapharmacy.com.au, sophieuli-ano.com at loopjamaica.com)

Comments are closed.