TIRADOR NG 13 ASO TIKLO SA ENTRAPMENT

BULACAN-NASAGIP ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group(CIDG) at Barangay Intelligence Network (BIN) ang 13 aso na nakasilid sa sako habang ang iba naman ay nakakulong sa maliliit na cages.

Isinagawa ang entrapment sa Purok 4, Brgy. Sapang Putik, San Ildefonso, Bulacan ga­nap na alas- 3:40 ng hapon nitong Sabado.

Sa inisyal na report ni SMS Jayson Dela Cruz kinilala ang inarestong suspek na si Ariston Borga y Payupay, 46-anyos, vendor at residente sa nabangit na lugar.

Nabatid na katuwang ng CIDG ang kinatawan ng Animal Kingdom Foundation.

Nakuha sa lugar ang isang weighing Scale, catching poll at buy bust money.

Samantala, paglabag sa R.A 8485 as amended by R.A 10361 (The Animal Welfare Act of 2007) at R.A 9482 (Anti-Rabbies Act of 2007) ang isasampa laban sa suspek. THONY ARCENAL