‘TISOY’ VICTIMS  PUWEDE NANG  MANGUTANG

pera

MAAARI  nang  mag-apply ng calamity loan ang mga miyembro ng Social Security System na apektado ng bagyong Tisoy.

Ito ang pahayag ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio dahil naglaan sila ng aabot sa P614 million  sa ilalim ng Calamity Assistance Package para tulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad.

Sa pagtaya ng SSS, aabot sa 68,000 libong mga miyembro ang naapektuhan ng bagyong Tisoy mula Bicol Region, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon)  at Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (Mimaropa).

Nagsimula nang tumanggap ng cala­mity loan application ang SSS mula pa noong Dis­yembre 20 at magtatagal ito hanggang Marso 19, 2020.

Nilinaw ni Ignacio, tanging mga probinsiya o bayan  na nasa ilalim ng state of calamity ang puwedeng makakuha ng calamity loan mula sa SSS tulad  ng Que­zon province, Batangas City; Mabitac, Laguna;  Ca­vite, Oriental Min­doro, Occidental Mindoro, Marinduque; Corcuera, Romblon, San Fernando Romblon at Northern Samar.

Sinomang  kasapi ng  SSS na  gustong mag-apply ng cala­mity loan ay maaaring makakuha ng hanggang P40,000.

Comments are closed.