(Titiyakin ng DA) STABLE NA PRESYO, SUPLAY NG AGRI PRODUCTS

SINIMULAN na ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) noong Biyernes ang mga serye ng pagbisita sa mga pamilihan sa Metro Manila upang tiyakin na stable ang presyo at suplay ng mga farm goods para sa Christmas season.

Unang binisita ni DA Undersecretary for Operations Roger Navarro ang Mega Q-Mart at Kamuning Public Market sa Quezon City kung saan sinabing sapat ang suplay ng karne, manok, gulay at isda sa dalawang pampublikong pamilihan.

Tatalakayin din ng DA at mga ahensiyang  bumubuo sa National Price Coordinating Council kung ano ang maaaring gawing mga  interbensyon upang matiyak na mananatiling stable ang presyo, hindi bumabaha sa merkado ang mga imported na produkto at hindi mapipinsala ang mga lokal na prodyuser.

Paalala ng DA sa mga gustong makatanggap ng regular na updates sa umiiral na retail prices ng agri-fishery commodities sa National Capital Region,  maaaring magparehistro nang libre sa https://tinyurl.com/3vxkjhmz at mag-subscribe sa DA Bantay Presyo Text Blast o i-access ang lingguhang mga trend ng presyo at araw-araw na ulat sa pagsubaybay sa presyo sa pamamagitan ng da.gov.ph/price-monitoring.

PAULA ANTOLIN