(Titiyakin ng DOLE)KAPAKANAN NG WORKERS NA APEKTADO NG ‘RIGHTSIZING’

TUTUTUKAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kapakanan ng mga empleyado ng gobyerno na maaapektuhan ng planong ‘rightsizing’.

Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, nais niya na makakuha ng sapat na kompensasyon at bagong posisyon na depende sa kanilang kakayahan ang mga maaapektuhang empleyado ng gobyerno sakaling ipatupad na ang nasabing plano.

Subalit magdedepende ito kung magkakaroon ng bakante sa ilang ahensiya o departamento ng gobyerno.

Aminado naman si Laguesma na hindi niya agad masasagot ang ilang mga hakbang sa ‘rightsizing’ dahil pinag-aaralan pang mabuti ng DOLE ang plano kasama ang ilang ahensiya ng gobyerno. DWIZ 882