TITLE DEFENSE SISIMULAN NG LADY ARCHERS

HANDA si reigning MVP Angel Canino at ang iba pa sa DLSU para idepensa ang UAAP women’s volleyball championship. UAAP PHOTO

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – Ateneo vs UE (Men)
12 noon –  AdU vs DLSU (Men)
2 p.m. – Ateneo vs UE (Women)
4 p.m. – AdU vs DLSU (Women)

Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – FEU vs UP (Men)
12 noon – NU vs UST (Men)
2 p.m. – FEU vs UP (Women)
4 p.m. – NU vs UST (Women)

SISIMULAN ng La Salle ang kanilang kampanya para sa title No. 13 sa pagharap sa Adamson sa pagsisimula ng UAAP women’s volleyball tournament ngayong Sabado sa Mall of Asia Arena.

Sa kabila ng pagkawala ng ilang key players — dahil sa graduation o pag-akyat sa pro league — may isang bagay na masasandalan ang Lady Spikers: ang championship pedigree ng paglalaro sa ilalim ni long-time coach Ramil de Jesus.

Bukod sa pagpunan sa malaking butas na iniwan ni setter Mars Alba, si Julia Coronel ang magiging bagong captain ng La Salle.

“I would say now that we are ready for this upcoming season,” sabi ni Coronel. “Kasi grabe din po ang naging preparation namin throughout the preseason and gusto talaga naming manalo ulit kami at hawak po ang championship this season.”

Ang pagkuha sa leadership role ay isang hamon para kay Coronel, subalit nagpapasalamat ang 23-year playmaker sa tiwalang ibinigay sa kanya ng coaching staff at ng kanyang teammates.

“So far looking great. Na-embrace ko rin yung role ko as a team captain and starting setter of the team,” ani Coronel.

Magsasalpukan ang Lady Spikers, na nagsanay sa Thailand sa pagsisimula ng taon, at ang Lady Falcons sa alas-4 ng hapon matapos ang sagupaan ng Ateneo at host University of the East sa isa pang women’s match sa alas-2 ng hapon

Ang La Salle ay pangungunahan nina reigning MVP  Angel Canino, Thea Gagate, Alleiah Malaluan, Shevana Laput, Amie Provido, Maicah Larroza, Baby Jyne Soreño at libero Lyka De Leon.

Ang isa pang koponan na sumailalim sa  major overhaul ay ang Adamson, na pumangatlo noong nakaraang season.

Si JP Yude, na ginabayan ang Baby Falcons sa kanilang kauna-unahang high school girls volleyball championship kamakailan, ay nasa kanyang debut bilang women’s coach.

Bukod sa pag-alis ni coach Jerry Yee at sa pagkawala ng ilang key players mula sa bronze medal team noong nakaraang taon, ang top middle blocker ng Adamson na si Lorene Toring ay maagang natapos ang college career dahil sa ACL injury.

Ipaparada ng Lady Falcons si Angelica Alcantara bilang bagong starting setter, gayundin sina holdovers Lucille Almonte, Shar Ancheta, Jen Villegas, Antonette Adolfo at libero Karen Verdeflor.

Sisikapin din nina Red Bascon at Barbie Jamili na makagawa ng impact bilang first-year players para sa Adamson.