CAVITE -Halos 20 taon nang may diabetes si Teacher Argemy Buhain Gabales, 62-anyos at ang 4 dekada nang nagtuturo at ngayon ang pinarangalan ng LGU Rosario, dahil sa kanyang determinasyon at katatagan ng loob sa pagtuturo bilang Elementary Teacher.
Nagtapos ng kursong Commerce Major in Banking and Finance sa St. Joseph College sa Cavite City. Sa edad na 24 taon ay nagtuturo na siya.
Maraming masasayang alaala ang kanyang pinagdaanan bilang titser at sobrang minamahal siya ng kanyang mga nagiging estudyante subalit nang dumapo ang diabetes smay nag-umpisa na rin ang maraming pagsubok lalo na sa pinansyal na usapin.
Hindi sinusukuan ang bawat hamon ng buhay. Patuloy na lumalaban para sa pamilyang sa kanya ay umaasa.
Para kay Titser Gabales, masarap na mahirap magturo. Napakasarap diumanong magturo kasi sari-saring ugali ang maeencounter ng isang guro.
Tulad ni Gabales ay inakala niya na hindi na siya makakapag-asawa.
Nawili kasi siya ng husto sa mga bata. Nakaranas siya na halos sa kanya na natutulog ang isang grupo ng mga bata.
Magkakainan… Kwentuhan… At magluluto sa bahay kahit ang ulam ay sardinas lamang. Para kay Titser Gabales, ang sarap ng pakiramdam kapag ang tropa mo ay mga student mo.
Subalit iba pa rin ang turo ng sariling magulang ng bawat estudyante. Sila talaga ang unang titser ng buhay nila.
“Para sa mga magulang ang ang tanging mensahe ko po ay ipagpatuloy ang pagmamahal, pagkalinga at higit sa lahat makipagtulungan sa mga guro upang hindi mabalewala ang kanilang pag-aaral. Sapagkat ang lahat ng kaalaman ay nagmumula sa tahanan lalo sa mga magulang…”, mensahe ni Titser Gabales.
“Sa aking mga estudyante sana makapagtapos sila ng pag-aaral nang sa gayon ay matupad nila ang kanilang mga pangarap sa buhay at higit sa lahat makatulong sa kanilang mga magulang”, dagdag pa ni Gabales.
Si Titser Gabales ay isa lamang sa libu-libong guro na sa kabila ng nararanasang ay patuloy na magbibigay ng dekalidad na pagtuturo.
Happy Teacher’s Day!
SID SAMANIEGO