Tiwala ng mga Navoteno kay Mayor Toby Tiangco mas tumaas sa bagong survey

HIGIT pang tumaas ang pagtitiwala at suporta ng mga Navoteno kay Mayor Toby Tiangco na tumatakbong Congressman sa lungsod Lungsod ng Navotas laban sa kanyang katunggaling si Gardy Cruz.

Umabot na sa 92% ang boto na natanggap ni Mayor Tiangco habang malayong-malayo naman ang kanyang karibal na si Gardy Cruz na nakakuha lamang ng 6% ayon sa pinakahuling resulta ng “Boses ng Bayan: NCR 2022” survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) mula April 17-21, 2022.

Noong Enero 22-30, 2022 na survey ng RPMD, nakapagtala ng 87% si Mayor Tiangco mula sa 86% noong Disyembre 16-23, 2021 at 80% noong October 17-26, 2021.

Ang non-commissioned RPMD poll ay sumasaklaw sa 16 na lungsod at isang munisipalidad sa National Capital Region (NCR).

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 10,000 respondents na random na pinili mula sa 7,322,361 registered voters sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila.  Ito ay may margin of error mula 2.5% hanggang 3% para sa malalaking lungsod habang ang margin of error para sa maliliit na local government units na may 850 respondents ay 3.36%.ANB