NANINIWALA ang mga residente ng Barangay San Isidro sa Antipolo City na mas makakatulong at mapapaigi ang kanilang kalagayan sakali at isang Broadcaster Commentator ang mamumuno sa kanila.
Sa isang Multi Sectoral non commissioned survey ng isang local based survey firm na Go Rizal Go sa Barangay San Isidro, Antipolo City na isinagawa noong October 1 hanggang October 5, 2023, umabot sa 1,500 ang naging respondents mula sa ibat-ibang sektor tulad ng kabataan, kababaihan, senior citizen, transportasyon, vendors at negosyante.
Ang katanungan ay nakatuon sa paksang, “SINO SA TINGIN MO ANG MAS MAKAKATULONG AT MAKAKAPAGLINGKOD NG TAPAT?
Kabilang sa pinagpilian ay ang kasalukuyang kumakandidato sa pagka kapitan na sina Cayanong Rex, Elizaga Junnie at Salen Bhaby.
Si Cayanong na isang broadcaster ay walang karanasan sa pulitika, si Elizaga ay kasalukuyang Kagawad ng Barangay San Isidro habang si Salen ay maybahay ng kasalukuyang barangay Captain ng San Isidro.
Sa 1,500 respondents, nakuha ni Cayanong ang 43% o may katumbas na 645, si Elizaga Junnie ay nakakuha ng 14% o 210 habang si Salen Bhaby ay nakakuha ng 25.3% o 379, nasa 17.7% o 266 naman ang nananatiling undecided.
Bagamat pumangatlo si Elizaga subalit kapansin-pansin na ito ay nakakuha ng medyo magandang bilang sa hanay ng mga vendor, habang si Salen ay nakakuha ng medyo mataas na numero sa hanay ng mga negosyante,
Si Cayanong na bagito sa larangan ng pulitika ay nakakuha ng magandang puntos sa lahat ng sektor, bentahe niya ay ang pagiging isang beteranong nroadcaster, commentator at hindi maikakaila na maraming koneksyon hanggang sa pamahalaang nasyunal.
Tinitingnan din kung bakit mataas ang rate ng batikang broadcaster ay dahil na rin sa mga tulong at suporta ng kanyang mga kaibigan tulad nina Congressman Erwin Tulfo, Senator Robin Padilla, Sen. Bong Go at Senator Bato Dela Rosa.
Samantala, ipinahayag ng Go Rizal Go na mahigpit nilang tinututukan ang takbo ng pulitika sa Barangay San Isidro dahil maganda ang laban sa nasabing Barangay, dagdag pa ang mahabang karanasan ng mga namumuno rito na hindi nagagapi sa loob ng tatlong dekada na.