TIWALA NI DIGONG KAY DUQUE MATATAG PA RIN

DUTERTE41

NANATILING matatag ang kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing ang lahat ng miyembro ng gabinete ng Pangulong Duterte ay mananatili lamang sa kanilang mga posisyon habang kuntento pa sa kanilang binibigay na serbisyo sa gobyerno.

“Right now, the President still has trust with Secretary Duque,” sabi ni Roque.

Ang pahayag ay ginawa ni Roque makaraang manawagan si Senador Emmanuel “Manny”Pacquiao na humihiling kay Pangulong Duterte na sibakin sa puwesto si Duque bunsod ng kabiguan nitong agad na makabili ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Pfizer.

Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na dapat sana ay mayroon nang Pfizer vaccines ang Filipinas sa susunod na buwan subalit mayroon aniyang naglaglag kung kaya’t nawalan ng pagkakataon ang bansa na makabili ng bakuna na dapat sana ay para sa Filipinas at naibigay sa ibang bansa.

Mariin namang itinanggi ni Duque na siya ang responsable sa kabiguang makakuha ng mas maaga ang Filipinas ng nabanggit na bakuna.

Ayon kay Roque inatasan na ni Pangulong Duterte si Duque na sagutin ang alegasyon ni Locsin. EVELYN QUIROZ

5 thoughts on “TIWALA NI DIGONG KAY DUQUE MATATAG PA RIN”

  1. 473172 232197When I originally commented I clicked the “Notify me when new comments are added” checkbox and now each time a comment is added I get three emails with the same comment. Is there any way you can remove me from that service? Thank you! 817200

Leave a Reply

Your email address will not be published.