UPANG mabawasan ang insidente ng mga kaso ng illegal recruitment at para na rin sa kapakanan ng mga overseas Filipino worker (OFW), tinanggal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia ang mga tiwaling recruitment agency at pinalakas ang onsite verification ng mga employer.
Ayon sa Labor Attaché ng POLO Riyadh na si Fidel Macauyag, sa loob ng isang buwan, 39 na tiwaling Saudi recruitment agency at 18 kompanya ang sinuspinde ng kaniyang tanggapan, samantalang 40 employers naman ang inilagay sa blacklist.
“Bahagi ito ng aming kampanya na lisin ang mga recruitment agency. May mahigit tayong 600 Saudi recruitment agency, ngunit maaari nating ibaba ang bilang na ito ng hanggang 100 o mas mababa pa sa mga darating na buwan. Hindi natin kailangan ng maraming recruitment agency, kailangan lang natin ng ilang matitino, na maaari nating maging katuwang,” wika ni Macauyag.
Ito lamang aniya ang paraan upang mabawasan ang mga kaso ng pambibiktima sa mga OFW.
Sinabi rin ng Labor Attaché na bumuo ang POLO ng isang grupo ng mga lalaking welfare officer at support staff na tinawag nilang “Team Camel”, at kanilang ide-deploy upang tulungan ang ating mga OFW na may problema.
Upang tiyakin na lehitimo at sumusunod sa batas, mahigpit na ipinatutupad ng POLO Riyadh ang onsite verification ng mga kompanya, batay sa kautusan ng Philippine Overseas Employment Administration.
Nitong nakaraang linggo, personal na nagpunta si Macauyag sa Alkhobar upang tingnan ang estado ng tirahan ng mga OFW sa Saudi Recruitment Agency sa Eastern Region bago ito bigyan ng job order at akreditasyon ang kanilang Philippine Recruitment Agency.
Nagbibigay rin ng onsite lecture ang POLO team sa mga recruitment agency.
“Sinasabihan namin ang mga may-ari ng recruitment agency na dapat ay mayroon silang welfare officer na may kakayahan na mangalinga para pangalagaan ang ating mga OFW, lalo na iyong mga may problema. Ang mga ahensiya ay kaisa at kasamang mananagot ng employer. Kaya bahagi ng kanilang responsibilidad kung may mangyayaring hindi maganda sa ating OFW,” pahayag ni Macauyag.
Dagdag pa ni Macauyag na seryoso sa pagpapatupad ang POLO Riyadh sa mga hakbanging ito upang maiwasan ang anumang problema.
“Lagi kong sinasabihan ang mga recruitment agency na naglalagay ako ng tulay sa pagitan namin upang mapag-usapan ang mga suliranin na nakakaapekto sa industriya. Subalit, kung may mga tiwaling gawain sila sa ating mga manggagawa, panahon na upang tigilan nila ito,” babala ni Macauyag sa Saudi recruitment agency. LIZA SORIANO
237178 765188This web site can be a walk-by way of for all of the data you required about this and didnt know who to ask. Glimpse here, and also you will certainly uncover it. 363095
670304 402527A thoughtful opinion and ideas Ill use on my web page. Youve naturally spent some time on this. Properly carried out! 101233