TIYAK NA PANINIRAHAN AT LIBRENG LUPA, ISINUSULONG NG KALINGANG TAYTAY POLITICAL ORG

ISINUSULONG  ng Kalingang Taytay Political Organization na magkaroon ng libreng lupa at pabahay ang mga matatagal nang naninirahan sa Taytay upang maiparamdam nila ang kanilang tunay na pagkalinga.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-akda ng mga batas, patakaran,at proyektong makapagbibigay ng sapat na pondo mula sa lokal na pamahalaan na magpapaigiting sa karapatan ng maralitang mamamayan na kanilang nasasakupan.

Ayon kay Noli Mendoza, pangulo ng Kalingang Taytay Political Organization,panahon na at handa na sila upang wakasan ang paghihirap ng mamamayan lalo na ang maralita nilang kababayan, na mahigit tatlong dekada nang umaasa na mapasakanila ang lupang kanilang tinitirhan at inaasam, kung kaya’t ang pagsasampa ng kandidatura ng kanilang samahan ay magiging hudyat ng pag-asa at tagumpay.

“Maraming beses ng ginagamit ang mahihirap namin kababayan, na tuwing sasapit ang eleksiyon, ay makakarinig ka ng matatamis at magagandang pananalita sa mga pulitiko, pangako dito, pangako du’n.

Subalit kapag nakaupo na, nalilimutan at hindi na ito natutugunan,” dagdag pa ni Mendoza.
Sinang-ayunan naman ito ni Bayan dela Cruz, isa sa tatakbong konsehal ng nasabing lugar dahil aniya, isang progresibo at malaking kilusan na mula sa iba’t ibang sektor sa bayan ng Taytay ang handang tumugon sa mga problema at suliranin ng mga kababayang maralita.

Bukod kay Bayan Dela Cruz, kakandidato rin sa pagka konsehal sina Ram Bengco,Lito Guinal at Tobits Cruz.

Ang Kalingang Taytay Political Organization ay itinatag noon pang 2012. MA. THERESA BRIONES

87 thoughts on “TIYAK NA PANINIRAHAN AT LIBRENG LUPA, ISINUSULONG NG KALINGANG TAYTAY POLITICAL ORG”

  1. 569925 900113Hi. Cool post. Theres a issue with the website in chrome, and you might want to check this The browser could be the marketplace chief and a big component of other folks will miss your excellent writing due to this difficulty. I like your Post and I am recommend it for a Site Award. 485178

Comments are closed.