TIYAN NG BINATILYO WAKWAK SA CHAINSAW

NORTHERN SAMAR -SUGATAN ang 13-anyos na batang lalaki matapos tamaan ng lagare sa bayan ng Laoang.

Ayon sa Laoang Municipal Police Station, pinuputol ng ang ama ng biktima ang ilang puno nang bigla na lang mabitawan nito ang chainsaw at tumilapon sa tumutulong na anak.

Nasugatan ang tiyan hanggang dibdib ng binatilyo dahil sa insidente.

Ginagamot na sa ospital ang biktima at nangangailangan umano siya ng tulong sa pagpapagamot.

Dahil purong aksidente ang naganap ay minabuting hindi na muna pinangalanan ang mag-ama.
Isinusulat ang balitang ito ay nasa maayos nang kalagayan ang binatilyo.