PATULOY ang dominasyon ng TNT Tropang GIGA at pinagharian ang first leg ng PBA 3×3 Season 2 First Conference sa makapigil-hiningang panalo kontra Meralco sa finals nitong Linggo sa Robinsons Place Antipolo.
Kampeon sa Grand Finals ng Third Conference noong nakaraang season, nakumpleto ng TNT ang sweep sa Leg 1 nang maungusan ang
Bolts, 21-19, sa overtime sa championship match.
Kumana si Almond Vosotros, ang scoring champion ng Season 1, ng 9 points habang nagdagdag si Ping Exciminiano ng 8, kabilang ang game-winner sa overtime. Tumipa sina Lervin Flores at Samboy de Leon ng tig-2 points.
Masaklap ang pagkatalo ng Bolts, na humabol mula sa 15-19 deficit upang ipuwersa ang overtime. Isinalpak ni Leo De Vera ang isang two-pointer upang manatiling buhay, at umiskor si Tonino Gonzaga sa buzzer upang maitabla ang talaan sa 19-19.
Naiuwi ng Tropang GIGA ang P100,000 cash prize.
Samantala, ginapi ng Platinum Karaoke ang baguhang J&T Express, 12-10, para sa ikatlong puwesto.