TNT MULING TUMABLA SA GINEBRA

Laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. – Ginebra vs TNT

NAGPAKAWALA ang TNT ng finals record 21 three-pointers tungo sa 116-104 panalo kontra Barangay Ginebra upang itabla ang kanilang PBA Governors’ Cup championship series sa 2-2 kagabi sa Araneta Coliseum.

Bagama’t hindi nakasama si top gunner Roger Pogoy dahil sa finger injury, gumanti ang Tropang Giga sa mainit na shooting ng Gin Kings sa 3-point area sa Game 3.

Naitarak ng Ginebra ang 117-103 panalo sa Game 3 makaraang magsalpak ng franchise record 18 treys sa mainit na 56% clip.

Subalit sa pagkakataong ito ay nanaig ang TNT sa three-point battle, maagang nag-init sa pagkamada ng 12 triples sa first half kung saan naiposte nila ang 59-41 halftime lead bago nagkasya sa 12-point victory.

Nagsalpak sina Jayson Castro, Mikey Williams, Calvin Oftana, at Kib Montalbo ng tig-4 na tres para sa Tropang Giga, habang nanguna si Rondae Hollis-Jefferson sa scoring na may 36 points bukod pa sa 10 rebounds, 5 assists, at 3 steals.

Nag-ambag din si import Rondae Hollis-Jefferson ng conference-high na tatlong tres.

Kumana si Castro ng 17 points mula sa bench, habang tumapos sina M. Williams, Oftana, at Montalbo na may tig-16 points para sa TNT na bumuslo ng 48% mula sa arc.

Nakalikom si Justin Brownlee ng 28 points, 5 rebounds, at 4 assists para sa Ginebra. CLYDE MARIANO

Iskor:
TNT (116) – Hollis-Jefferson 36, Castro 17, M. Williams 16, Oftana 16, Montalbo 16, Khobuntin 8, Erram 2, K. Williams 2, Ganuelas-Rosser 2, Varilla 1, Tungcab 0, Marcelo 0.
Barangay Ginebra (104) – Brownlee 28, Thompson 22, Malonzo 17, Pringle 10, Standhardinger 10, Pessumal 10, Mariano 3, David 2, J.Aguilar 2, Onwubere 0, Gray 0, Pinto 0, R.Aguilar 0.
QS: 29-23, 59-41, 95-77, 116-104.