HINILING kahapon ng isang infrastructure-oriented think tank ang pagtataas sa transport network vehicle services (TNVS) cap makaraang magpasiya ang Grab Philippines na i-deactivate ang may 8,000 sasakyan dahil sa kabiguang sumunod sa franchise requirements.
“We are banking on the commitment of the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) during the last congressional hearing that the cap will be raised to another 10,000 new drivers within the month,” wika ni Terry Ridon, convenor ng Infrawatch PH.
Aniya, maiibsan nito ang epekto ng planong deactivation ng 8,000 non-franchised drivers.
Ayon sa Grab, aabot sa 8,000 TNVS units ang kanilang ide-deactivate sa Lunes, Hunyo 10, dahil sa pagkabigong magsumite ng katibayan na may provisional authority (PA) sila mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Anang Grab, kailangang mag-apply agad ang mga bagong driver dahil ang pagsibak sa 8,000 TNVS ay magpapalala sa sitwasyon para sa industriya sa harap ng kakulangan sa mga driver.
Sa kasalukuyan, ang Grab ay may 45,000 TNVS partners. Ang pagsibak sa mga hindi nakapagsumite ng kanilang PA ay may katumbas na 100,000 rides sa isang araw.
Sinabi ni Ridon na ang mga inactive TNVS ay kailangang tanggalin sa master list ng LTFRB, at dapat aniyang makipagtulungan ang board sa transport network firms para mapabilis ang pag-aalis sa inactive vehicles.
“Inactive franchisees burden the entire TNVS sector because it offers no service to the public at a time when the demand for TNVS services does not diminish,” pagbibigay-diin niya.
“More importantly, with the inactive franchisees still in the master list, it might compel transport regulators to reject any calls to lift the TNVS cap,” dagdag pa niya.
Aniya, ang riding public ay matagal nang nagrereklamo sa limitadong bilang ng TNVS, gayundin sa mataas na singil ng mga ito.
“A major factor in the current limited supply and high fees is the regulatory bottleneck caused by the cap on the number of TNVS drivers.”
Comments are closed.