TNVS GAGAYAHIN NG TRIKE RIDE

Sancho Mabborang

CAGAYAN – PINAG-AARALAN na ng Department of Science and Technology (DOST) Region 2 katuwang ang Cagayan State University (CSU) at University of the Philippines (UP) na isaayos ang mga pumapasadang tricycle sa Lungsod ng Tuguegarao upang ihalintulad sa sistema ng transport network vehicle service (TNVS).

Ayon kay Engr. Sancho Mabborang, Regional Director ng DOST, layunin umano nila na gawing mas maayos ang daloy ng trapiko at mabawasan ang polusyon sa hangin.

Bukod dito, pinag-aaralan din nila ang sistema ng pagbabayad ng pasahe sa mga tricycle, upang maiwasan din ng mga tricycle driver ang mga katagang ingles na ‘’Double-Capacity-Special’’ na ibig sabihin ng Double ay dalawang pasahero ang katumbas, Capacity ibig sabihin ay kailanangang apat na pasahero ang pamasahe nila at ang salitang Special, ay malapit o malayo triple ang bayad.

Pahayag pa ni RD Mabborang, na ang sistemang ito na kanilang masusing pinag-aralan ay ang pagkakaroon ng directory ng mga re­histradong pumapasada sa buong Lungsod ng Tuguegarao, na maa­ring tawagan para magpasundo at makapagpareserba nang nagnanais na sumakay na mga pasahero lalo na ang mga turista, na maaring makatulong din sa turismo. IRENE GONZALES

Comments are closed.