DISMAYADO ang isang grupo ng mga magsasaka kaugnay sa hindi pag-apruba sa kanilang hiling na P7 na dagdag sa presyo ng produktong tabako.
Ayon kay STOP-Exploitation secretary general Zaldy Alpiler, animo’y nasayang ang kanilang pagdalo sa Regular Tripartite Conference ng National Tobacco Administration (NTA) dahil hindi rin pinakinggan ang kanilang panawagan.
Isinusulong sana ng grupo na madagdagan ng P7 ang P82-floor price ng tabako dahil sa nagiging gastos nila sa pagtatanim nito.
Subalit nanindigan ang training centers na P1 lang ang kanilang maidadagdag sa presyo habang sa nga-yon ay pag-aaralan pa ng naturang trading centers ang hiling ng mga magsasaka. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.