NAGSIMULA na ang pamamahagi sa buong bansa ng National Tobacco Administration (NTA) ng kabuuang halaga na P100-million tobacco production grants sa 16,666 kwalipikadong magsasaka para sa cropping season 2024– 2025.
Pinangungahan ni Administrator and Chief Executive Officer (CEO) Belinda S. Sanchez ang pamimigay ng tobacco production grant noong Disyembre 12–13 sa mga bayan ng Gitagum at Laguindingan sa Misamis Oriental province, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Para sa Mindanao area, 1,666 tobacco farmers ang natukoy na recipients ng P6,000 grant bawat isa mula sa lalawigan ng Misamis Oriental, Agusan Del Sur, Zamboanga Sibugay, North Cotabato at Maguindano Del Sur, at Negros Oriental sa Visayas. Ang naturang mga lalawigan ay kilala sa pagtatanim ng dekalidad na tobacco sa Southern part ng bansa.
Sa kasalukyan, patuloy ang pamamahagi ng cash grants ng NTA sa iba’t ibang sangay nito sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Sa Luzon, ang mga ito ay ang Abra – 992 tobacco farmers; Batac (Ilocos Norte) – 2,778 farmers; Cagayan – 700 farmers; Candon (Ilocos Sur) – 2,573 farmers; Isabela – 2,925; La Union – 1,667; Pangasinan – 1,765; at Vigan (Ilocos Sur) – 1,600.
Upang maging recipient, ipinaliwanag ni Sanchez na dapat ay NTA-registered tobacco farmers at personal na nagtatanim sa tobacco farm sa cropping years 2023–2024 at 2024–2025, na may isang ektarya o mas maliit pa dito ang lawak.
Ito ay sa ilalim ng Tobacco Contract Growing System (TCGS) program ng NTA o para naman sa non-TCGS farmers tobacco growers sa .5 ektarya o mas maliit pang lawak ng farm land.
Pinasalamatan ni Mindanao tobacco farmer leader Sonny Salvan, presidente ng Federation of Gitagum Farmers Association in Misamis Oriental, ang NTA at ang national government sa pagkakaloob ng P6,000 tulong sa tobacco farmers sa kanyang bayan.
“The cash subsidy will bring relief for our smallholder – tobacco farmers from the high prices of farm inputs,” sabi ni Salvan, namumuno sa 11 barangay farmers association of Gitagum na may 389 qualified grant recipients.
Sinabi naman ni Gitagum town councilor Edwin Nestal na ang cash grant ay mahalaga sa mga tobacco farmers dahil makakadagdag ang naturang financial assistance sa natatanggap nila mula sa local government unit (LGU) mula sa tobacco excise tax share.
Ayon naman kay Laguindingan town Mayor Diosdado T. Obsioma. itinuturing nilang bayani ang tobacco farmers sa kanilang bayan sapagkat nakakakolekta sila ng excise tax dahil sa kanilang tobacco production. Ito, aniya, ang dahilan kung bakit upgraded ang kanilang LGU mula sa 5th class ay naging 2nd class na sila.
Ayon naman kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Deogracias Victor B. Savellano, ang nasabing production grant na ipinamimigay sa mga tobacco farmers sa ilalim ng Marcos administration ay isinasagawa dahil nananatili itong isang malakas na haligi ng ekonomiya ng bansa sa kontribusyon nitong 1 % sa Gross Domestic Product (GDP) at 6% ng overall annual tax revenue collection.
Sa ilalim ng Republic Act Nos. 7171 (for Virginia) and 8240 (for Burley and Native), ang tobacco-producing-LGUs ay maaaring makakuha ng bahagi nila mula sa tobacco excise tax collections base sa volume o dami ng dahon na naprodyus ng local tobacco farmers.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia