TOBACCO OUTPUT TO INCREASE WITH EXPORT OPPORTUNITIES

Tabako

NAGKAROON na ng puwang ang industriya ng tabako sa export market matapos na ito ay dumanas sa pagsadsad sa merkado dahil sa mataas na excise taxes at mahigpit na regulasyon.

Ipinakita ng datos ng  National Tobacco Administration (NTA), isang  attached agency Department of Agriculture, na bumaba ang produksiyon ng tabako ng 30 porsiyento hanggang 48 million kilograms ng 2017 mula sa 68 million kilograms ng 2013.

Isinabatas ang Republic Act No.10351 o ang New Excise Tax on Tobacco and Alcohol Products noong 2013. Unti-unting nagdagdag ng buwis sa sigarilyo ng P30 bawat kaha noong 2017.

Natantiya na ng NTA ang mababang produksiyon ng 42 million kilograms ngayong taon, pero napansin nila na ang tobacco exports ang nagpabalig-tad ng downtrend.

“I think this is the year that it will start to increase. Actually, what we see as an opportunity there is the exports,” pahayag ni NTA Regulations Department officer-in-charge Rohbert Ambros sa isang panayam sa isang forum sa Makati kamakailan.

“The particular Burley type planted in the Philippines is the best type in the world… These are imported from the Philippines so that is the market we are seeing,” sabi ni Ambros.

Mananatiling matumal ang domestic consumption dahil sa mataas na excise taxes at ang national smoking ban sa mga publikong lugar.

“But since we are the only country left as possible sources of Burley type, our local producers will expand,” ani Ambros.

Comments are closed.