ANG ToFarm Film Festival ang only advocacy-driven film festival today, initiated by Dr. Milagros How, president of Universal Harvester Inc., to help the agricultural industry by showcasing the lives, trials and triumphs of our farmers.
Dalawang taon na itong ginaganap, una noong 2016, then in 2017, na si Director Maryo J. delos Reyes ang naging festival director. Sa kanyang pagyao, si Director Bibeth Orteza ang pumalit sa kanya at si Director Joey Romero naman ang managing director.
Ipinakilala na ni Dr. Milagros How ang seven lucky finalists na napili ng Selection Committee composed by award winning screenwriter Raquel Villavicencio (chairperson), writer Krip Yuson, director Antoinette Jadaone, director Mario Cornejo, and writer Manny Buising.
Ang mga napiling finalists: “1957” historical drama, written and directed by Hubert Tibi; “Alimuom: science fiction, written and directed by Keith Sicat; “Fasang” – period romance, written by Charlston Ong; “Isang Kuwento ng Gubat (The Leonard Co Story)” biopic, written by Rosalie Matilac and directed by Ellen Ongkeko Marfil; “Lola Igna” cultural drama, written and directed by Eduardo Roy Jr.; “Mga Anak ng Kamote” futuristic absurd comedy-drama, written by John Carlo Pacala directed by Carlo Enciso Catu and “Sol Searching” a dark comedy written and directed by Roman Perez Jr.
The #ToFarmFilmFestival2018 will be held on September 12 to 19.
ALDEN RICHARDS NAG-RAP PARA
SA THEME SONG NG KANYANG BAGONG SERYE
FIRST time na nag-rap si Pambansang Bae Alden Richards nang i-record niya ang theme song ng “Victor Magtanggol,” ang bago niyang solo teleserye sa GMA7, ang “Super Hero Mo” kasama ang grupong Ex-Battalion na sila rin ang nag-compose ng song. Kita ang saya ni Alden nang nagri-record sila na napanood sa “Chika Minute” ng “24Oras” last Monday evening.
Bukod sa mapapakinggan ang magandang theme song sa serye, abangan kung kailan ito puwede nang ma-download sa Facebook account ng GMA Network.
MIGUEL TANFELIX AT BIANCA UMALI
NAUDLOT ANG BAKASYON SA JAPAN
DAHIL sa busy schedule ng taping ng “Kambal Karibal” na kung minsan ay four times a week sila, ipinasya na pala muna ng magka-love team na bida ng serye na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, na saka na lamang ituloy ang Japan vacation nila.
Matatandaan na isang round-trip ticket to Japan ang birthday gift ni Miguel kay Bianca noong debut nito last March. Hindi nga pumayag ang lola ni Bianca na sila lamang dalawa ang magbiyahe kaya binigyan din ni Miguel ng tickets ang dalawang cousin ni Bianca na makakasama nila papunta ng Japan.
“Gusto po sana namin ay noong may cherry blossoms, pero nasabay naman po ito na na-extend ang serye namin kaya hindi kami puwedeng umalis. Malalaking eksena po kasi ang kinukunan namin ngayon kaya tuloy-tuloy ang taping namin.”
Thankful ang buong cast ng “Kambal Karibal” dahil ilang beses na silang na-extend at lalo silang masaya na laging mataas ang rating nila na hindi nila in-expect na matatapatan nila ay isang malaking project. Naniniwala silang na-gustuhan ng mga televiewers ang bagong sangkap sa Philippine TV ng kanilang primetime series na dinidirek ni Don Michael Perez at napapanood after ng “The Cure.”
Comments are closed.