ISABELA – HULI ang magkakaibigang apat na magsasaka kabilang ang isang nagtapos sa Community Based Rehabilitation Program sa inilatag na drug buy bust operation ng kapulisan sa Brgy. Sta. Rosa, Aurora Isabela.
Nakilala ang nahuling sina Ace Fernandez, 33 anyos, na residente sa naturang lugar habang ang iba pang kasamahan nito ay sina James Bryan Pascual, 24 anyos; Leonardo Candelario, 33 anyos at Alfredo Miranda, 40 anyos, may asawa na pawang residente sa Brgy.Malasin San Mateo, Isabela.
Sa ipinarating na ulat ni P/Capt. Villamor Andaya, Hepe ng PNP-Aurora kay P/Col. Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, binentahan ni Fernandez ang nagpanggap na posuer buyer ng hinihinalang dahon ng marijuana kapalit ang 1,000 peso bill.
Nakuha mula sa mga suspek ang isang plastic bag na hinihinalang naglalaman ng dahon ng marijuana, 1000 Peso bill na buy bust money at tatlong cellphone.
Agad na sinampahan ng kasong may kinalaman sa R. A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. REY VELASCO
Comments are closed.