Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Rain or Shine vs Phoenix
7:30 p.m. – Ginebra vs Blackwater
NAGPAKAWALA si Arvin Tolentino ng career-high 51 points, ang unang 50-point game ng isang local sa PBA sa loob ng anim na taon, upang pangunahan ang NorthPort sa 135-107 pagdispatsa sa Converge sa Governors’ Cup kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.
Naabot ni Tolentino ang 50-mark sa isang jumper papasok sa two-minute mark para sa Batang Pier upang ilagay ang talaan sa 125-104.
Ito ang unang pagkakataon magmula nang magtala si Stanley Pringle ng 50 points sa 133-115 panalo ng GlobalPort kontra Columbian Dyip sa isang Commissioner’s Cup elimination round game noong June 22, 2018 na umabot ang isang local player sa naturang mark.
Napantayan din ni Tolentino ang 51-point effort ni Asi Taulava sa
31-105 panalo ng Talk ‘N Text laban sa Purefoods sa Fiesta Conference noong May 16, 2004.
Umangat sa 2-1, ang NorthPort ay tumabla sa TNT at Meralco sa ibabaw ng Group A standings.
Nahulog ang FiberXers, na napantayan na ang kanilang Philippine Cup win record, sa 2-2.
Narating ng Batang Pier ang century mark makalipas ang tatlong quarters matapos isalpak ni Joshua Munzon ang dalawang free throws sa huling 1.5 segundo at hindi na lumingon pa.
Si Tolentino ay may 22 points na sa first half, pinangunahan ang NorthPort sa 68-50 bentahe papasok sa break bago muling pinamunuan ang pananalasa ng Batang Pier sa huling dalawang quarters. CLYDE MARIANO
Iskor:
NorthPort (135) – Tolentino 51, Munzon 19, Jalalon 13, Cuntapay 11, Navarro 10, Yu 6, Jois 6, Bulanadi 6, Nelle 5, Amores 4, Onwubere 2, Taha 2, Flores 0, Tratter 0.
Converge (109) – Hopson 24, Stockton 19, Arana 16, Winston 16, Santos 12, Racal 8, Delos Santos 6, Nieto 4, Maagdenberg 2, Melecio 2, Cabagnot 0, Caralipio 0, Fleming 0, Ambohot 0, Andrade 0.
Quarterscores: 38-24, 68-49, 100-77, 135-109