TOLENTINO MAGBIBITIW BILANG CHAIR NG BLUE RIBBON COMMITTEE

KINUMPIRMA  ni Senador Francis Tolentino na magbibitiw siya bilang chairman ng Senate blue ribbon committee.

“In fulfilment of a sacred commitment to serve as Blue Ribbon Committee Chairman and Member of the Commission on Appointments for a concise term of one and half years, I find it both duty and an honor to uphold the essence of a prior agreement,” ani Tolentino.

“This decision is rooted in a deep-seated belief that public office demands fidelity to pledges made,” dagdag pa niya.

Sinabi ng mambabatas na pormal na kukumpirmahin sa plenary session ang kanyang pagbibitiw.

Ang blue ribbon committee ay nag-iimbestiga sa mga umano’y maling gawain ng gobyerno, ng mga opisyal nito, at ng mga naka-attach na ahensya nito, kabilang ang mga government owned and controlled corporation.

Itinuturing na isa sa pinakamakapangyarihang komite sa Senado ang blue ribbon. LIZA SORIANO