TINANGGAP ni Senador Francis Tolentino ang kahilingan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na maging kanyang legal counsel sa lahat ng mga paglilitis na may kaugnayan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war ng administrasyong Duterte.
“I accept the letter, the proposal of Senator Dela Rosa to lawyer for him,” ani Tolentino.
“My role there would be to ensure the protection of Senator Dela Rosa not just within the confines of the ICC because we are claiming that they don’t have jurisdiction [over us], but even locally,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Tolentino na inihahanda na niya ang lahat ng mga dokumento para sa kanyang akreditasyon bilang abogado ni Dela Rosa kung darating sa puntong iyon.
Bilang legal counsel ni Dela Rosa, sinabi ni Tolentino na isusumite nila ang lahat ng dokumento o testimonya ng kanyang kliyente kung hihilingin ito ng anumang administrative o quasi-judicial body sa Pilipinas.
Magpapadala si Tolentino ng liham kay Senate President Juan Miguel Zubiri para makakuha ng exemption sa alituntunin na ang mga kasalukuyang opisyal ay hindi pinapayagang magpraktis ng kanilang propesyon.
LIZA SORIANO