TOLENTINO PHILCYCLING PREXY ULIT

MULING nahalal si Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino bilang presidente ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) kahapon.

Agad na nangako si Tolentino na idaraos ang national championships para sa road, mountain bike at BMX sa 2021—may bakuna man o wala laban sa COVID-19.

Nanatili rin sa kanilang puwesto sina Alberto Lina bilang chairman at Oscar ‘Boying’ Rodriguez bilang vice president, habang ang mga bagong miyembro ng federation board ay sina Alejandro Vidallo (treasurer) at Engr. Greg Monreal (auditor).

Muling nahalal bilang miyembro ng board sina Jun Lomibao, Juancho Ramores, Paquito Rivas, Moe Chulani, Carlos Gredonia, Atty. Marcus Andaya at Jojo Villa.

Ang unang female national road commissaire ng Filipinas na si Sunshine Joy Mendoza ay nahalal bilang bagong miyembro ng board, kasama si Erwin Bollozos. Muli namang itinalaga si Atty. Billy Sumagui bilang secretary general.

Sinaksihan ni Philippine Olympic Committee membership chairman Bones Floro ang eleksiyon at pinamunuan din ang elections committee para sa halalan na idinaos sa ilalim ng mahigpit na health protocols sa East Ocean Palace restaurant sa Pasay City. Sumailalim ang bawat isa sa antigen swab tests.

“I am looking at Clark or Subic for the national championships for road and Tagaytay City for BMX and mountain bike,” sabi ni Tolentino, at idinagdag na kahit walang bakuna, ang races ay maaaring isagawa sa isang bubble environment.

“If the PBA [Philippine Basketball Association] did it in Clark, we could do the same in the same venue, in Subic and Tagaytay,” ani Tolentino, na muli ring nahalal bilang presidente ng Philippine Olympic

Committee para sa panibagong four-year term.
Kabilang din sa mga prayoridad ni Tolentino sa 2021 ang Tokyo Olympics, 31st Southeast Asian Games at ang Asian Indoor and Martial Arts Games kung saan lalaruin ang BMX.

Comments are closed.