ISANG three-part session ang matutunghayan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum bago ang pag-arangkada ng 30th Southeast Asian Games, kung saan mismong si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang mangunguna sa talaan ng mga panauhin ngayon sa Amelie Hotel-Manila.
Tatalakayin ni Tolentino ang kampanya ng Team Philippines sa SEA Games sa 10:00 a.m. session kung saan sasamahan siya nina reelectionist Philippine Football Federation (PFF) president Mariano ‘Nonong’ Araneta at Azkals team manager Dan Palami, gayundin nina SEA Games 3×3 at basketball competition manager Bernie Atienza ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).
Magbibigay ng pahayag sina Araneta at Palami sa SEA Games bid ng football team at sa nalalapit na PFF elections, habang tatalakayin ni Atienza ang basketball competitions sa biennial meet, kasama si FIBA-appointed technical delegate Agus Antares Mauro, na secretary-general din ng SEABA.
Ang session na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, 1-2 p.m. at 6:30 p.m.
Ang PSA Forum ay magpapahinga ng dalawang linggo para bigyang-daan ang hosting ng bansa sa SEA Games.
Hinihikayat ang mga miyembro na dumalo sa session.
Comments are closed.