TOLL FEE HIKE NAKAAMBA SA 4 NA EXPRESSWAYS

toll fee

NAKAAMBANG  tumaas ang singil sa toll ng North Luzon Expressway (NLEX); Subic – Clark – Tarlac Expressway (SCTEx); Star Tollway at Cavitex.

Kasunod ito ng pahayag ng Toll Regulatory Board (TRB) na posibleng aprubahan nila ang hirit na 14 hanggang 45 porsiyento  na taas singil ng apat na expressways.

Sinabi ni Bert Suansing, tagapagsalita ng TRB, na ma­tagal-tagal na ring hindi nag-taas ng singil ang nasabing mga expressway.

Gayunman, sinabi  nito  na isasailalim pa nila sa deliberas­yon ang naturang petisyon kung saan gagamitin nilang batayan sa pagpapasya ang consumer price index, tindi ng trapiko at epekto ng Tax Reform Law.                  DWIZ882

5 thoughts on “TOLL FEE HIKE NAKAAMBA SA 4 NA EXPRESSWAYS”

  1. Aw, this was a very nice post. In thought I want to put in writing like this moreover ?taking time and precise effort to make an excellent article?however what can I say?I procrastinate alot and on no account seem to get one thing done.

Comments are closed.