ANG Public Estate Authority Tollway Corporation ( PEATC) ang dapat na may kontrol sa pangangasiwa ng Manila-Cavite Expressway o Cavitex.
Ito ang iginiit ni PEATC spokesperson Atty. Ariel Inton bilang tugon sa mainit na usapin sa pagitan ng PEATC at Cavitex Infrastructure Corporation (CIC).
Aniya, ilang beses na ring kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) kung bakit nasa kontrol ng Metro Pacific Tollways Corporations (MPTC) ang Manila -Cavite Expressway (CAVITEX) sa halip na sa PEATC.
Sa audit observation report ng COA noong 2018, tinanong nito ang state owned company kung bakit wala itong hiwalay na transaction record mula sa Cavitex infrastructure corporation (CIC) para sa kanilang operations at maintenance agreement.
Paliwanag ni Inton, bago pa lagdaan ang joint venture sa pagitan ng gobyerno at CIC noong 2006 ay mayroon ng sariling record of revenues and expenses ang PEATC.
Gayunman, dahil sa revenue sharing partnership, ang tanging nakukuha lamang ng PEATC ay remittances mula sa toll collection at wala itong record ng disbursement.
Sa inilabas na pananaw ng COA, maliwanag na ang PEATC ang may mandato sa pangangasiwa at pangungolekta mg tollways at fees kaya nakakapagtaka pinapalagan ng CIC na pangasiwaan ng PEATC ang toll operations at fees.
Nilinaw din ni Inton na kahit pa ang PEACT na ang mangasiwa at mangolekta ng toll fees sa CAVITEX ay kikita pa rin naman ang CIC dahil mapapalitan lang ang hatian sa 60 -40 porsiyento.
Bukod dito, sinabi ni Inton na ang proyekto ay orihinal na government to government project at hindi Public-Private Partnership o PPP.
EVELYN GARCIA