BAHAGYANG bubuksan ngayong araw ang 18-kilometer Metro Manila Skyway Stage 3 at madaraanan ng mga motorista nang libre sa loob ng isang buwan.
Ayon kay San Miguel Corp. chief operating officer Ramon Ang, ang proyekto ay inaasahang tuluyang bubuksan sa Enero 14.
“We are glad to finally welcome motorists, even on a limited capacity, starting December 29. While this is only a partial opening, given the scale and importance of this project, this is a very significant development. We have the government of President Rodrigo Duterte to thank, for paving the way for the continuous construction of Skyway 3 over the past few years. We believe it will be key to our economic recovery after the pandemic,” sabi ni Ang.
Binigyan din ni Ang ng kredito ang buong economic team ng administrasyong Duterte, sa pangunguna nina Finance Secretary Carlos Dominguez III, Transportation Secretary Arthur Tugade at Public Works and Highways Secretary Mark Villar, sa pag-susulong ng massive infrastructure development sa ilalim ng “Build Build Build” program, at sa pagtulong para mabilis na matapos ang Skyway 3.
“This project is the result of the hard work and contributions of so many stakeholders, past and present. We especially thank President Rodrigo Duterte and his economic team, from DPWH Secretary Mark Villar, DOTR Secretary Arthur Tugade to Finance Secretary Carlos Dominguez, for their continued push for infrastructure development to create growth and make life easier for more Filipinos,” aniya.
Para sa partial opening, sinabi ni Ang na magagamit ng mga motorista ang hanggang apat na lanes ng Skyway 3. Pagsapit ng Enero 14, pormal na bubuksan ng SMC ang lahat ng pitong lanes ng buong 18-kilometer stretch mula Buendia, Makati hanggang NLEX.
Ang proyekto na mag-uugnay sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX) ay magsisilbi ring alternatibo sa EDSA, na may walong access points na dadaan sa Makati, Manila, San Juan, at Quezon City.
Ang access points ay kinabibilangan ng Buendia, Plaza Dilao, Nagtahan, Aurora Blvd., Quezon Ave., Sgt. Rivera, Balintawak, at NLEX.
Mapabibilis nito ang biyahe sa pagitan ng Buendia at Balintawak sa 15 hanggang 20 minuto mula sa kasalukuyang dalawang oras.
Comments are closed.