TOLL HIKE SA SCTEx, MCX

MCX

MATAPOS ang pagtataas ng toll fee sa North Luzon Expressway (NLEX), inaasahan na rin ang dagdag-singil sa dalawa pang expressway sa second quarter ng taon.

Ito ay makaraang aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga petisyon ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at ng Ayala Corp. para sa toll rates adjustment ng Subic-Clark Expressway (SCTEx) at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX), ayon sa pagkakasunod.

Para sa SCTEx, ang inaprubahang bagong toll rates ay ang mga sumusunod:

Class 1: Mula P2.675251/km (VAT exclusive) at P2.996281/km (VAT inclusive) ay magi­ging P3.189230/km (VAT exclusive) at P3.571937/km (VAT inclusive)

Class 2: Mula P5.350502/km (VAT exclusive) at P5.992562?km (VAT inclusive) ay magi­ging P6.378460/km (VAT exclusive) at P7.1433875/km (VAT inclusive)

Class 3: Mula P8.025753/km (VAT exclusive) at P8.988843/km (VAT inclusive) ay magi­ging P9.567690/km (VAT exclusive) at P10.715812/km (VAT inclusive).

Para sa MCX, ang inaprubahang bagong toll rates ay ang mga sumusunod:

Class 1: Mananatili sa P17 dahil sa pag-round off ng authorized na P17.34.

Class 2: Mula P34 ay magiging P35.

Class 3: Mula P51 ay magiging P52.

Ang BCDA at Ayala ay kapwa inatasan na ilathala ang adjusted toll rates sa isang pahayagan na may general circulation bago mag-isyu ang TRB ng Notice to Start Collection para sa implementasyon.

“The TRB resolutions approving MCX and SCTEx petitions were received by them last week. However, they need to publish it in a newspaper of general circulation for three consecutive weeks after that, the TRB will issue a Notice to Start collection,” wika ni Suansing.

Comments are closed.