Ipinagutos ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos na libre ang toll free sa CAVITEX Mula July 2-30.
Sa report, inaprub ng Toll Regulatory Board ang resolusyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na magkaroon ng 30 day free passage sa mga tollways ng Cavitex.
Mula July 1 hanggang July 30 2024 ay nakataas ang mga barriers sa mga toll booths kaya hindi mababawasan ang RFID load ng mga motorista at walang sisingilin sa mga cash lanes.
Ipatutupad ito ng PEA Toll Corporation bilang operator ng cavitex.
Ang CAVITEX ay ang nagiisang tollways na 100 percent pagaari ng pamahalaan.
Ang CIC naman ang in charge sa infrastructure development at financing.
Ikinatuwa naman ito ni Atty. Ariel Inton, chairman ng Lawyers for Commuters Safety and Protection.
Aniya, ipinakita ni BBM na sa Bagong Pilipinas ay una ang taong bayan.
Dagdag pa niya, bagamat kinikilala ng administrasyon ang kahalagahan ng private sector sa mga proyekto na kasama ng pamahalaan, interes pa rin ng taumbayan ang una sa puso ni BBM.
Pinasalamatan ni PRA Chairman Atty. Alex Lopez ang lokal na pamahalaan ng Cavite sa pangunguna ni Gov. Jonvic Remulla at si Senator Bong Revilla sa kanilang mga suporta.
Tinatayang higit sa 170,000 na mga vehicle passages ang maililibre ng toll holiday na daan daang libong pasahero ang sakay. RLVN