TOM RODRIGUEZ AT CARLA ABELLANA HINIRITANG MULING MAG-TAMBAL

carla at tom

SOBRANG maraming kinilig sa  video na ibinahagi ng Kapuso actor na si Tom The pointRodriguez kung saan makikitang nagsusubuan sila ng girlfriend niyang si Carla Abellana.

Katunayan, maraming fans at followers nila ang nagbunyi nang makita ang dalawa na magkasama sa isang proyekto.

Ang nag-trending na video ay hindi sa promo ng kanilang upcoming movie o teleserye kundi sa isang commercial ng isang brand ng sardinas na kanilang ginawa.

Sey ng netizens, nakukyutan sila sa dalawa dahil swak ang kanilang tandem para sa naturang endorsement.

May mga nagre-request din na sana raw ay magsama silang muli sa isang TV series.

Huling nagkatambal ang dalawa sa Kapuso tele­seryeng “I Heart Davao”.

BAGUHANG PROMDI BIDA NA SA CINEMALAYA

BIDA na sa Cine­malaya movie na “John Denver Trending” ang baguhang promdi na Jansen Magpusaosi Jansen Magpusao, isang grade 9 student na tubong Pandan, Antique.

Kuwento ng director nitong si Arden Rod Condez, sa Facebook lamang daw niya nakilala si Jansen noong naghaha­nap sila ng talent na gaga-nap sa kanyang obra. Isa raw sa mga pinsan nito ang nagpadala ng litrato ng bago niyang discovery.

Naintriga raw siya dahil napaka-expressive raw ng mga mata nito at naisip niyang perfect  ito sa role ng kanyang lead character sa kuwento.

Ipinaliwanag din niya na ang titulo ng pelikula ay walang kinalaman sa pamosong Amerikanong folk singer na may kaparehong pangalan.

Naisip lang daw niya na maganda ang recall ng nasabing pangalan.

Tsika pa niya, noong ma-meet daw niya si Jansen, sob­rang awkward daw nito kaya sumailalim ito sa intensive acting workshop ng Zamboangena filmmaker na si Ryanne Murcia.

Noong presscon ng Cinemalaya sa CCP, ibinahagi rin niya na first time nitong lumuwas ng Maynila at nakasakay sa eroplano.

Tuwang-tuwa rin daw ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatuntong ito ng Maynila at nakapanood ng sine sa isang mall sa siyudad.

Literally, laking bundok daw si Jansen at ang nakuhang talent fee raw nito sa pelikula ay ibinili nito ng cellphone. Mahilig daw kasi itong mag-laro ng Mobile Legends.

Ang mga magulang nito ay nakatira sa isang mountain resort sa Malumpati Cold Spring sa Pandan. Kahit mula sa maralitang pamilya, pangarap daw nitong makapagtapos ng pag-aaral at maging civil engineer balang araw.

Sa panayam namin, sinabi naman ni Jansen na nag-enjoy siya sa unang pagsabak niya sa pag-arte at kung may offers daw ay wil­ling naman siyang ikonsidera.

Sa John Denver Tren­ding na kalahok sa 15th Cinemalaya filmfest, ginagampanan ni Jansen ang papel ng isang estudyante na nag-viral sa social media nang makunan siyang binubugbog ang kapuwa niya mag-aaral.

May napapanahon at mahalagang mensahe ang pelikula tungkol sa social media.