PITONG taon ang relasyon nina Tom Rodriguez at Carla Abellana bago sila nagpakasal noong October 21, 2021 tapos ngayon, napapabalitang hiwalay na sila agad? Nakakagulat, hindi ba?
Baka naman nag-away lang at pwede pang maayos. Sa kani-kanyang Instagram account, andun pa ang mga litrato nilang magkasama, pero in-unfollow nila ang isa’t isa. Hopefully, may pinagdadaanan lang sila na normal naman sa mag-asawa.
Dinig namin, nagseselos daw si Carla sa isang Kapuso actress. Sino naman kaya ito? Saka bakit ang bilis namang kumalat ng balita?
May isa pang tsika na madalas silang mag-away at ilang beses na umano silang naghiwalay sandali, pero nagkakaayos din. Ano, itatapon nila ang pitong taong relasyon ng ganoon na lamang kung kelan naman kasal na sila? Ang mahal kaya ng annulment!
Pero teka lang! Just recently, may post si Tom sa Instagram na: “Standing at a crossroads. Frozen in place… I’m too scared to go. Too weak to stay.” Sa Instagram din, kapansin-pansin ang ipinost niyang video na may written text na “.float” at may itim na background. Sa audio, maririnig ang spiels mula sa isang eksena ng Cowboy Bebop, isang Japanese anime sci-fi series tungkol sa bounty hunters na sakay ng spaceship na Bebop ang pangalan.
Sabi ng karakter na si Faye, “And now you’re leaving just like that. Why do you have to go? Why are you leaving? What are you gonna do?! Just throw away your life like it was nothing?!”
Sagot naman ni Spike: “I’m not going there to die. I’m going to find out if I’m really alive.”
May kanta ring may lyrics tungkol sa isang taong nahaharap sa crossroads at di malaman kung ano ang gagawin na ayon sa lyrics: “I wonder if I stepped off / Would have float in space, Standing at a crossroads / Frozen in place, I’m looking for salvation / But I miss my train, I’m too scared to go / too weak to stay.” – KNMartin