AT 31, hindi lang kasal ang nasa isip ngayon ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez, bidang lalake sa “Dragon Lady” nila ni Janine Gutierrez, kundi ang pagiging isang ama.
Natanong kasi ang actor kung ready na ba siyang magka-baby, say ni Tom, reding-redi na raw siya at kahit na noong kabataan pa niya ay mahilig talaga raw siya sa mga bata. Hindi na rin naman maitatanggi na ang nobyang si Carla Abellana ang nais na pakasalan at pakisamahan ng habang buhay ni Tom. Kung kaya natanong kung okey lang daw na baby na muna bago ang kasal.
Say ni Tom, kasal na muna bago baby at pareho nila itong ginusto ni Carla. Paano naman daw kung di sinasadyang magka-baby sila bago ang kasal, sinabi ni Tom, pagdating daw sa usapin na ito ay sadyang maingat sila. At kung sakali raw na mangyari ito, isang malaking blessing daw ang baby na bigay nang nasa Itaas.
CRISTINE REYES ISANG TAO LANG ANG GUSTONG UWIAN
PAGDATING sa kanyang personal na buhay, lalong-lalo na sa relasyon nila ng kanyang asawang si Ali Khatibi ay selyado ang bibig ni Cristine Reyes kung nagsasama pa ba sila o hiwalay na.
Iwas-pusoy talaga si Cristine pag ang pag-uusapan ay ang relasyon nila ng mister. Tsika nang isang malapit kay Cristine, choice raw ‘di umano ni Cristine na huwag magsalita ng may kinalaman sa relasyon nila ngayon ni Ali dahil na rin sa pagmamahal sa anak.
Kung matatandaan ay huling nagkita na magkasama sina Cristine at Ali kasama si Amarah sa isang event sa iskuwelahan ng bata. Kung pagbabaseh-an ang family photos nila ay masasabi na tila walang pinagdadaanan ang relasyon ng dalawa.
Pagdating naman sa financial matters, say ni Cristine, kahit pa raw noong bata pa siya at solong katawan ay siya na raw mismo ang dumidiskarte na magkapera. Maaga siyang nagtrabaho para kumita ng pera at ngayon daw na may anak na siya ay iba na raw ang pananaw niya pagdating sa pera.
Kung noon daw ay mga gusto niya ang nasusunod, ngayon daw ay iniisip na niya ang kinabukasan ng kanyang unica hija. Marami ring nabago sa dating kinahiligan niya sa buhay. Kung dati rati ay enjoy lang sa buhay si Cristine after work ngayon ay maligaya pang umuwi na ng bahay si Cristine at makasama ang kanyang anak. Say pa rin ng actress, sa nga-yon ay sa anak umiikot ang kanyang mundo.
Comments are closed.