TOM RODRIGUEZ HUMANGA SA TATAG NG GF NA SI CARLA SA INIINDANG SAKIT

TOM RODRIGUEZ

MARAMING napahanga si Tom Rodriguez sa kanyang makatotohanang eksena wallfacebilang isang asawang may sakit, sa teleseryeng “Love of my Life” na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes.

Kung natutuwa si Tom sa mga papuri sa kanyang akting ng mga televiewers, sa totoong buhay ay hanga naman siya sa kanyang gf na si Carla Abellana kung paano nito nilabanan ang sakit na iniinda habang nasa Japan sila at nagbabakasyon.

Ani ni Tom, humanga raw siya mas lalo sa gf na bukod sa tatag nito habang nagpapagamot ay buong tapang din inamin ni Carla sa publiko ang kanyang mga sakit. Mayroon siyang sakit na tachycardia, hypothyroidism at pati na rin sa kanyang atay.

Say pa ni Tom, isang hakbang para magbigay inspirasyon sa mga taong may katulad na sakit ng sa gf na hindi sila nag iisa at may tamang paggaga-mot dito. At ngayon nga ay isang patotoo si Carla ay gumaling na.

Sa ngayon ay unti-unti na rin bumabalik ang kaseksihan ni Carla. Kung matatandaan ay biglaan ang pagdagdag ng kanyang timbang sanhi ng gamot na binibigay sa kanya tulad nang steroids.

MYRTLE SARROSA DREAM COME TRUE ANG MAGING KAPUSO

DREAM come true para kay Myrtle Sarrosa na maging isa sa mga ta­lent ng GMA Artist Center nang pumirma bilang isang Kapuso.

Ani ni Myrtle, matagal na niyang pinupuntirya na maging isang Kapuso talent. Two years ago pa ng una siyang mag-audition, pero nitong nakaraan taon, buwan ng Disyembre lang niya talaga kinarir ang pag-oaudition at nagbunga naman ng maganda.

‘Di lang sa pagpirma ng kontrata excited si Myrtle, kundi maging sa pagbibigay agad sa kanya ng project sa Kapuso Network kahit wala pang pirmahan na nangyayari. Agad-agad ay nagpakitang gilas agad si Myrtle bilang guest sa comedy show na Bubble Gang. Kung kaya baguhan man daw siya sa bagong tahanan, naramdaman niya agad ang warm welcome na binigay ng Siete sa kanya.

Nilahad din ni Myrtle na gusto niya rin makatrabaho ang Multimedia star na si Alden Richards. Bukod kasi na nagagalingan siya sa aktor ay hanga rin si Myrtle kay Alden na kahit super bisi na sa work ay nakukuha pang makapag Mobile Legend. Isa rin si Myrtle sa nahihilig maglaro ng online games.