HIGIT 10,000 kilong mga imported frozen at processed meat product na walang kaukulang papeles ang nasabat ng awtoridad sa isang checkpoint sa bayan ng Rosales, Pangasinan kamakailan.
Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng mga Magsasaka (SINAG), walang naipakitang African Swine Fever-free certif-icate at NMIS ang ilan sa mga produktong nakumpiska.
Tatlong trak na nagkarga ng mga nasabing produkto mula sa Laguna ang nasabat din ng awtoridad.
Ayon sa awtoridad, hindi alam kung saan nanggaling ang aabot sa 80 na sako ng nasamsam na processed meat products, tulad ng siomai, kikiam, at bola-bola.
Hindi rin nakalagay ang mga ito sa freezer.
Dadalhin sana umano ang mga ito sa mga probinsya ng Pangasinan, La Union at Benguet para ibenta.
Pansamantalang ipinagbabawal sa Pangasinan ang pag-angkat ng mga frozen at processed meat products mula sa ibang probinsiya dahil sa banta ng African Swine Fever sa bansa.
Comments are closed.