TONELADANG FROZEN MEAT GALING CHINA NAHARANG NG NMIS

NASABAT sa Navotas City ang halos tone-toneladang frozen meat mula sa China.

Pinangunahan ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang operasyon na nagresulta sa pagkakaharang nila sa isang container van sa San Rafael Village.

Nabatid na sa pamamagitan ng impormasyon na ipinarating sa ahensiya ay naharang ang truck at nang kanila itong buksan ay lumantad ang mga frozen poultry products gaya ng black chiken, duck liver at mga parte ng Peking duck.

Ayon kay Dr. Isidro Callagan, senior meat control officer ng NMIS-NCR, walang anumang dokumento o papeles na maipakita ang driver at pahinante ng truck.

Matatandaang may ipinaiiral pa rin na ban ang Department of Agriculture (DA) sa mga karne mula sa ibang bansa dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF). BENEDICT ABAYGAR, JR.

2 thoughts on “TONELADANG FROZEN MEAT GALING CHINA NAHARANG NG NMIS”

  1. 573227 699624Hey man, .This was an excellent page for such a hard subject to talk about. I appear forward to reading many a lot more excellent posts like these. Thanks 492904

Comments are closed.