Tony Ferrer pumanaw na

Sumakabilang buhay na ang tinaguriang James Bond of the Philippines na si Tony Ferrer sa edad na 86.

Si Ferrer, Antonio Laxa sa totoong buhay ay iniulat na nasawi sa sakit sa puso araw ng Sabado.

Mismong anak nitong si Mark ang kumumpirma sa pagpanaw ng ama sa kanyang bahay sa Pasig City.

Si Ferrer ang ama ng aktres na si Maricel Laxa, at lolo ng young actor na si Donny Pangilinan. KALI CHAN

Comments are closed.