TONY SIDDAYAO AWARDS KAY LUMAPAS, 3 PA

TONY SIDDAYAO

PANGUNGUNAHAN ni upcoming trackster Jessel Lumapas ang maikli subalit siksik na talaan ng Tony Siddayao awardees na kikilalanin sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa susunod na Martes.

Si Lumapas, isang standout ng Nazareth School of National University, ay sasamahan nina swimmers Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryan Dula, gayundin ni figure skater Czerrine Ramos sa pagtanggap ng parangal na ipagkakaloob ng sportswriting community sa promising athletes na may edad 17 at pababa.

Handog ng MILO, Cignal TV, at ng Philippine Sports Commission (PSC), ang  special event ay gaganapin sa Feb. 26 sa Centennial Hall – sa halip na sa Maynila Ballroom tulad ng unang inanu­nsiyo – ng makasaysayang Manila Hotel.

Ipinangalan sa late veteran sports editor ng Manila Standard na si Tony Siddayao, itinuturing na Dean of Philippine sportswriting, ang mga kilalang personalidad na una nang tumanggap ng Siddayao awards ay sina Wesley So (chess), Kiefer Ravena at Jeron Teng (basketball), Doti Ardina (golf), Eumir Marcial (boxing), Rustom Lim (cycling), Malvinne at Markie Alcala (badminton).

Nangunguna sa 2018 list ang 17-anyos na si Lumapas, na itinanghal na most outstanding athlete sa Palarong Pambansa noong nakaraang taon makaraang magwagi ng kabuuang apat na  gold medals sa track and field.

Tubong Dasmariñas, Cavite, pinangunahan niya ang kampanya ng bansa sa ASEAN School game sa Kuala Lumpur, Malaysia sa pagwawagi ng dalawa sa anim na gold medal haul ng Filipinas.

Ang apat na recipients ng Siddayao awards ay bahagi ng kabuuang  75 honorees na kikilalanin sa event na suportado ng Chooks To Go, NorthPort, Rain or Shine, Tapa King, SM Prime Holdings, ICTSI, Mighty Sports, at Philippine Basketball Association.

Nangunguna sa honor roll sina Hidilyn Diaz, golfers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan, at  Lois Kaye Go, at skateboarder Margielyn Didal, na pawang co-winner ng coveted Athlete of the Year award.

Comments are closed.