TONY SIDDAYAO AWARDS SA 12 YOUNG ATHLETES

PARARANGALAN ang mga batang atleta sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night sa Enero 29.

Labindalawang batang atleta na nagpakita ng potensiyal noong 2023 ang pinakabagong recipients ng Tony Siddayao Awards mula sa pinakamatagal na media organization sa bansa na pinamumunuan ng presidente nito na si Nelson Beltran, sports editor ng The Philippine Star.

Pangungunahan ni weightlifter Angeline Colonia ang youth brigade na gagawaran ng parangal na ipinagkakaloob sa promising athletes na may edad 18 at pababa. Ang parangal ay ipinangalan kay late Manila Standard sports editor Antonio ‘Tony’ Siddayao, na kinikilalang Dean of Philippine sports writing.

Si Colonia, 16, ang nanguna sa kampanya ng bansa sa 2023 Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa New Delhi, Indonesia, kung saan nagwagi siya ng tatlong gold medals sa women’s 45 kg category. Makakasama ni Colonia sa 12-athlete list sina fellow weightlifters Prince Keil Delos Santos at  Eron Borres, gymnast Karl Eldrew Yulo, chess player Christian Gian Karlo Arca, karateka Sebastian Neil Manalac, golfer Alethea Gaccion, modern pentathlon’s Joseph Anthony Godbout, muay thai’s Jan Brix Ramiscal, taekwondo jin Tachiana Kezhia Mangin, obstacle course’s Trisha Mae Del Rosario, at Aleia Aielle Aguilar of jiu-jitsu.

Gaganapin sa grand ballroom ng Diamond Hotel, ang traditional gala night ay handog ng Arena Plus, ang 24/7 sports app sa bansa, kasama ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, PLDT/Smart, Cignal, ay MILO bilang major sponsors. Ang event ay suportado rin ng Philippine Basketball Association, Premier Volleyball League, Rain or Shine, at 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero.

Magsisimula ang registration sa alas-6 ng gabi.

Si world no. 2 pole vaulter EJ Obiena ang tatanggap ng 2023 Athlete of the Year award.