TOOL TO SAFE DRIVING

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Ang kaliwa’t kanang aksidenteng nagaganap araw-araw sa lansangan ay lubhang nakababahala. Karaniwang resulta nito ay damage to properties, homicide thru reckless imprudence at pagkakaroon ng abrasion o kaya ay broken limb.

Gaya nang nasabi natin noon, pang siyam ang Filipinas sa mga bansa pagdating sa may pinakamalalang lagay ng trapiko.

Ayon sa ginawang pag-aaral ng NUMBEO, pagdating naman sa mga lungsod, ang Maynila ay nasa ikalabindalawang puwesto sa buong mundo bilang isa sa mga lungsod na may malalang kondisyon ng trapiko.

Ang masaklap pa nito, umaabot sa 53.82 minuto o halos isang oras ang ginugugol ng isang commuter sa Maynila para makara­ting sa 12 kilometrong layo ng patutunguhan. Ito ay base sa data na ipinalabas sa kanilang actual commuting time, commuting public dissatisfaction, traffic inefficiencies at carbon dioxide emission ng bawat bansa at mga lungsod.

Ang Numbeo ang world’s largest database of user contributed data about cities and countries worldwide. It provides current and timely information on world.

ROLE NG DEFENSIVE DRIVING SA PAG-IWAS SA TRAFFIC ACCIDENT

Ayon sa diwa ng Defensive Driving, maiiwasan ang aksidente habang nagmamaneho sa pamamagitan ng pagiging alerto, pagmamaneho sa takdang speed limit na karaniwang nakasulat sa traffic signages, at sa wastong paggamit ng turn signals.

Bilang karagdagan, sa pamamagitan ng driving responsibly, maiiwasan ang peligro sa pagmamaneho.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), kung ikaw ay isang baguhang driver, tiyakin na mayroon kang sapat na pag-sasanay sa pagmamaneho at alam mo kung ano ang isinasaad ng traffic signages na karaniwang makikita sa kahabaan ng highway, sa masisikip na lansangan at kung papaano gagamitin ang road signages na ito.

Ipinapayo ng LTO sa mga baguhang driver na tiyaking mayroong sapat na practice, pagkakaroon ng kasanayang mag-maneho kung masama ang panahon at hangga’t maiiwasan, huwag magmaneho sa gabi upang makaligtas sa ‘di ina­asahang problema.

ELEMENTO NG DRIVING DEFENSIVELY

I. STAY ALERT – bilang karagdagan sa pagiging mapagmatiyag sa lansa­ngang tinatahak, manatiling alisto sa malimit na pagkonsulta sa inyong rear view at side mirrors.

Tsikin kung may nakabuntot na sasakyan, gayundin, alalahin mo rin ang blind spots sa daraanan at tiyakin na mababatid ito bago pa man lumipat ng lane kung kinakailangan.

II. FOLLOW SPEED LIMIT – Isa sa pinaka-delikadong gawi ng mga pasaway na driver ay ang pagi­ging kaskasero.

Ang speed limit ay karaniwang nakalagay sa signages na nakalagay kada tatlo hanggang limang milya sa mga pangunah-ing lansa­ngan.

Igalang ang speed limit signages at i-adjust ang tulin ng pagpapatakbo sa mga lugar na sakop nito.

Kung walang kabatiran sa speed limit, kung gayon limitahan ang iyong bilis sa 30 mp (48 kph) kung ikaw ay nag-mamaneho sa lansa­ngan at 60 mph (48 kph) kung nagmamaneho sa highway.

III. PAY ATTENTION SA TRAFFIC SIGNS – Maging mapagmatiyag sa traffic lights, pedestrian crossing, school zone, at stop signs.

Bilang karagdagan, iga­lang ang traffic signs tulad ng winding road, sharp turn ahead, upang maiwasan ang potential collision o kaya ay kamatayan.

IV. GAMITIN SA WASTONG PARAAN ANG TURN SIGNALS – Gamitin ang signal at least a block (100 feet/30 meters) ba-go lumiko.

Layunin nito na magkaroon ng sapat na panahon ang mga kasunod na sasak­yan na magpabagal ng takbo o maka-pagbago ng lane bago ka pa man makaliko.

Patayin ang signal matapos kang makaliko upang maiwasang magkaroon ng confusion ang driver na kasunod mo.

V. HAYAANG LUMAMPAS ANG MGA AGRESIBONG DRIVER – Bigyang laya na mag-overtake ang mga pasaway na driv-er. Ang pinakama­buting gawin sa ganitong sitwasyon ay mag-slowdown at pahintulutang lumusot ang mga pasaway na driver.

Ayon sa LTO, the more distance there is between you and an aggressive driver, ay titiyak sa iyong kaligtasan. Cool ka lang!

VI. PANATILIHIN ANG THREE SECONDS CUSHION NA AGWAT SA IBANG SASAKYAN – Sa pamamagitan ng ganitong paraan, magkakaroon ka ng sapat na panahon na makapag-react sakaling magkaroon ng pangyayaring ‘di inaasahan tulad ng pagputok ng goma (tire blowout).

Gayundin, maiiwasan mo ang pagkakaroon ng matuling takbo at pagtutok sa sinusundang sasakyan.

VII. IWASAN ANG CONSTRUCTION ZONES – Kung batid mo na mayroong pook na daraanan kang may ongoing con-structions tulad ng ginagawang road blocking makabubuting humanap ng ibang ruta kung may posibleng daanan.

Kung hindi naman maiiwasan na dumaan sa construction site, tiyakin na igalang ang speed limit na itinatadhana sa sign-ages at kung kinakailangang magsagawa tulad ng pagliko ay kailangang igalang upang maiwasan ang sakuna.

Karaniwang pinababagal ang speed limits sa construction zones para sa kapakanang pangkaligtasan ng mga trabahador.

VIII. MAGING MAI­NGAT SA PAGMAMANEHO KUNG MASAMA ANG PANAHON – Kung biglang bumuhos ang malakas na ulan, malakas na bugso ng hangin at iba pang uri ng sama ng panahon ay tiyak na lilikha ito ng malupit na aksidente kung hindi magiging maingat sa pagmamaneho.

Payo ng LTO, sa ganitong pagkakataon, bagalan ang iyong takbo at buksan ang iyong headlights at maglaan ng katam-tamang agwat sa sinusundan upang maiwasan ang aksidente.

Tiyakin na may sapat na gadgets ang inyong sasak­yan na panlaban sa masamang lagay ng panahon tulad ng nasa kon-disyong windshield wipers at maayos na headlights.

SAMU’T SARING KAHINGIAN NG DEFENSIVE DRIVING

1. Turn your cellphone on silent. At upang maiwasan ang tuksong paggamit nito, ilagay sa lugar na hindi agad-agad maaabot.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang mga distraction gayundin ang aksidente.

Ayon sa LTO, ang pagkagambala habang nagmamaneho ang sanhi ng 3,000 aksidente noong taong 2013.

2. Iwasan ang iba pang uri ng distractions tulad ng pagkain habang nagmamaneho, pagpapalit ng CD o radio stations, paglalagay ng makeup at iba pang distracting behavior.

Ang nabanggit na distracting behaviors ay maaaring maging daan upang kumaharap sa problema o aksidente.

Payo ng LTO, hintaying makarating sa pupuntahan bago magpalit ng CD, mag-ayos ng katawan, kumain o kaya ay gumamit ng anumang distracting device.

3. Iwasang magmaneho kung ‘di mabuti ang pakiramdam. Tiyakin na nasa mabu­ting kondisyon ang pakiramdam bago magmaneho nang makaiwas din sa disgrasya.

Iwasang magmaneho kung nakainom ng alak, uminom ng gamot na nakaaantok, o kaya you are taking medications that impair your performance.

Kung talagang kailangan na umalis dahil sa isang mahalagang appointment maa­aring mag-commute na lang o kaya ay magpahatid sa ibang driver para makatupad sa appointment.

Gayundin, iwasang magmaneho kung pagod ang katawan. Kung sa kahabaan ng pagmamaneho ay makaram­dam ng pagkapagod o kaya ay pagkaantok, humanap ng isang ligtas na pook tulad ng gasoline stations para i-park ang sasakyan at umidlip ng ­ilang minuto bago magpatuloy sa paglalakbay.

IBA’T IBANG BAHAGI NG MOTOR AT KAGAMITAN

GAS ENGINES – Ang gas engine o makina na gina­gamitan ng gasolina o petrol­yo ay tinatawag na internal combustion engine.

Ang internal combustion engine ay tumatanggap ng lakas mula sa biglang pagkasunog ng fuel o gasolina sa loob ng mga silindro nito, samantalang ang external combustion engine ay tumatanggap ng lakas mula sa gatong o gasolinang si-nusunog o nagagamit ng palabas tulad ng nasa ilalim ng pakuluan.

MGA BAHAGI O PARTE NG GAS ENGINE

1. Mga parteng pirmihan:
a. silindro (pati ng ulo nito)
b. ang crank case
2. Mga parteng guma­galaw:
a. piston
b. connecting road
c. crank shaft
d. fly wheel at
e. valve gear

KAILANGANG AGWAT SA PAGITAN NG MGA SASAKYAN

Ayon sa Land Transportation Office, delikado ang tailgating o pagbuntot sa mga sinusundang sasakyan.
Palagiang maglaan ng distansiyang sinlaki ng sukat ng isang sasakyan upang maiwasang madisgrasya sa biglang pag-menor at paghinto ng sinusundan.

Kapag nasiran sa daan, dalhin ito sa road shoulder at maglaan ng malaking distansiya bago tuluyang pumuwesto.

Kapag naayos na ang sasakyan at muling papasok sa daan, siguraduhin na malayo ang pagitan sa mga sasakyang dumarating, bago sumingit.

“Be a responsible driver, drive defensively”, payo ng Land Transportation Office (LTO).

LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!

Comments are closed.