TOOTS OPLE AT LAGUESMA KINAUSAP NA NI BBM

LUMIPAD patungong Australia si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa “much needed rest and vacation” at para ma-enjoy niya ang kanyang huling mga araw bilang “citizen Bongbong” bago siya pormal na umupo bilang presidente.

Ito ang pahayag ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez sa isang media briefing kahapon.
Sinabi ni Rodriguez na bago umalis patungong Australia, nakipag-usap si Marcos Jr. sa dalawang taong inaasam niyang mapabilang sa kanyang Gabinete—sina dating Labor Secretary Benny Laguesma at dating Labor Undersecretary at ngayon ay advocate ng migrant workers na si Susan “Toots ” Ople.

Si Laguesma ay iniulat na pamumunuan ang Department of Labor and Employment habang si Ople ay ang bagong likhang Department of Migrant Workers.

Sina Laguesma at Ople ay mainit na tumugon at nagpasalamat kay Marcos Jr., subalit humingi ng karagdagang panahon upang kumonsulta sa kanilang mga pamilya at magdesisyon nang naaayon, ani Rodriguez.

Sa Australia, sinabi ni Rodriguez, nakipagpulong ang Punong Ministro ng Australia kay Marcos Jr., na naunang nakatanggap ng mga mensahe ng pagbati mula sa mga pinuno ng Amerika, China, Japan at EU.