Sumakabilang buhay na si Department of Migrant Worker Secretary Susan “Toots” Ople.
Ayon sa abiso ng DMW, pumanaw si Ople dakong 1:00 Martes ng hapon.
“Secretary Ople peacefully joined our Creator at around 1:00 p.m. today, August 22. 2023 sorrounded by her family and loved ones,” pahayag ng DMW.
Wala pa namang abiso ang pamilya Ople kung saan ibuburol ang kalihim.
Nagpahayag ng pakikiramay at panghihinayang ang Pangulong Marcos sa pagyao ni Ople.
Labis ang paghanga ng Pangulo sa husay ni Ople na siya rin niyang kaibigan.
Noong Hulyo ay nag-leave ang kalihim matapos ang magkasunod na pagkamatay ng kanyang dalawang kapatid na lalaki.
Isa ring cancer survivor si Ople.