TOP 1 AT TOP 2 SA LET MULA CAGAYAN

BUMUHOS ang mga pagbati sa Number 1 sa Licensure Examination for Teachers (LET) na si Bb. Roslyn Vea Damasco, residente ng Bliss Village, Ciy of Ilagan, isabela at nagtapos ng kursong Education sa University of the Philippines (UP Diliman) sa Quezon City.

Sinabi ni Damasco na hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang nag-top dahil nan matapos ang exam noong September 26, 2021 ay umiyak siya at naisip na magpapasalamat na lamang siya kapag siya ay nakapasa.

Tanggap niya anuman ang magiging resulta bagamat maraming taon niyang pinaghandaan ang examimation dahil sa hangarin niyang maging Number 1.

Nangulekta na siya ng mga libro at reviewer at labis siyang nagpapasalamat na natupad ang kanyang pangarap.

Si Damasco ay nagtapos na valedictorian sa Ilagan East Integrated SPED Center maging sa Isabela National High School sa City of Ilagan.

Hind namani inasahan ng Rank 2 sa LET nitong Setyembre 2021 na tubong Cagayan na siya ay mapapabilang sa mga topnotcher.

Pumangalawa sa pagsusulit si Czendra Faye Compares na tubong Tuguegarao City na nakakuha ng 93.20% sa exam.

Siya ay nagtapos sa Cagayan State University (CSU) Andrews ng Bachelor of Science in Secondary Education Major in Biology.

Sinabi ni Compares na hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang Rank 2 sa LET Exam.
Ang kanyang tatay ang unang nakaalam nang ilabas ang resulta at sa mga kapatid pa nito unang ipinabatid bago sinabi sa kanya na siya ang Top 2 kaya labis silang natuwa.

Si Compares ay nagtuturo ngayon ng high school sa St. Louis University Tuguegarao, panganay sa tatlong magkakapatid at ang kanyang tatay ay isang Field Officer ng DSWD habang ang kanyang nanay naman ay housekeeper. IRENE GONZALEZ