TOP 1 DRUG PERSONALITY NALAMBAT NG OPERATIBA

arestado

QUEZON CITY – ARES­TADO ang suspek ng mga tauhan ng Novaliches Police Station bilang top 1 drug personality sa Brgy. Bagbag.

Kinilala ang suspek na si Roban Valenzuela, kasalukuyang naninirahan sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, dati nang nakasuhan ng murder ang suspek habang dinidinig pa ang kaso nito sa droga matapos payagang makapagpiyansa.

Ayon sa kay Lt. Col. Rosel Cejas, hepe ng Novaliches PNP,   ang natu­rang  suspek ay palaging tinuturo na nagdi-distribute sa mga taong nahuli rin ng istasyon sa mga nakalipas ng  operasyon sa lugar.

Naganap naman ang pagdakip kay Valenzuela ala-1 ng madaling araw sa Brgy. San Bartolome at nakuha sa kanya ang 10 piraso ng P1,000 bill, dalawang tig-isandaang piso na marked money 3 sachets ng shabu na may bigat 10 gramo at nakuhanan din ito ng shotgun. PAULA ANTOLIN

3 thoughts on “TOP 1 DRUG PERSONALITY NALAMBAT NG OPERATIBA”

  1. 425987 122882This website is truly a walk-through for all of the details you wanted about it and didnt know who to question. Glimpse here, and you will undoubtedly discover it. 457551

  2. 858623 301641We dont trust this remarkable submit. Nevertheless, I saw it gazed for Digg along with Ive determined you can be appropriate so i ended up being imagining within the completely wrong way. Persist with writing top quality stuff along these lines. 315446

Comments are closed.